Thursday, May 31, 2012

Nalungkot lang!


Only commit to something if you know you will follow through. If necessary, make fewer promises and fewer commitments, but whatever you say you'll do, do it. Gradually your word becomes law for you - and that's when you really believe in yourself. from Andrew Matthews

Hayz! Kailangan ko lang itong isulat.....pang-release!
Can't help but be SAD =( as in super SAD =( pero kagaya ng dati huhupa din ito..baka nga after kong masulat OK na ako =)

I should outgrow this, kailangan kong mag-mature sa area na ito! Kaya siguro hindi pa ako nakakalis sa ganitong situation kasi hindi pa ako nag-go-grow!

Mahirap akong paasahin, umaasa talaga ako (kahit small talks, small promises)
Mahirap akong pangakuan kasi para talaga akong batang mag-anticipate.
At pag may naisip akong gawin at sinabi ko at may natuwa at gustong gawin yun kagaya ko, MASAYA din akong i-share!

Yun! Kailangan ko lang talagang magbago =P

Nalulungkot ako na ang aking TSU TSU trip eh hindi ganun kaaliw ang kakalabasan....Naubos ang aking mga kasama (sana naman for a very good reason). Hindi ko naman sila masisi sa pagkakaganito ko, ako naman ito..at wala naman akong magagawa kung hindi sila pwede...pwede namang gawin kong mag-isa.

But for today, I will just let myself go through this....sige lang, SAD ka lang but tomorrow is another day na ha!

Pwede ko pa naman syang gawin, ako na lang mag-isa, enjoy naman ako sa sarili ko, I think we can get along well naman....sige may next week pa ako to decide =) at least ngayon pwede ng food trip at shopping lang..di ko na kailangang magisip ng mga kailangang gawin at puntahan =)

Second time ko na itong ma-bloopers sa Bicol trip...kaya dapat matuto na ako, wag ng mag-pa-next time =) babaan mo na lang ang excitement! para less sadfull =P wala pa din akong YES all the way travel companion na maipapalit sa mga travel buddies ko dati =P I missed them sooooooooooooooooo much!

No comments: