Hindi pa naman siguro ako pwede sa titulong "Reyna ng Sablay" pero palagay ko pasado na ako sa "Prinsesa ng Sablay." Sa dami ng bloopers ko, malapit na akong maka-quota. At palagay ko, ito na ang pupuno sa kakulangan...hehe. So, ikwento ko na!
Mag-established lang ako ng bagay bagay....pag naglalaro ako ng badminton usually deretso dinner na ako nun sa Cafeteria, kaya pag umalis ako ng office nakalagay na sa racquet bag ko ang ID, coin purse, bimpo at cellphone. Pagbalik ko galing sa dinner ilalagay ko naman ang lahat ng yan sa bag kong gamit kasi iniiwan ko lang sa office ang racquet bag ko.
Ngayong gabi, kagaya ng nakagawian, ganyan ang ginawa ko. Meron akong last 500 pesos saking wallet, para hindi kumain ng space sa racquet bag ko, nilagay ko sa coin purse ang 500 kasama ng mga barya at yun na...nagpunta na ako ng court. Usual naman lahat...naglaro, kumain ng dinner, bumalik sa office nagpalit ng damit, nagkutingting ng konti sa computer then come 9:15 PM lumabas ng office to take the 9:15 PM shuttle going to UP gate.
Kasabay kong umuwi si Otep, sya din kasama kong naglaro at kumain at tumambay sa office then lakad kami sa may Vega area to get a jeep naman pa-Calamba. Sa aming paglalakad nakita namin sa di kalayuan sina Mamajo, Lorie at Nikki...habang papalapit sinasabi ko pa kay Otep na malamang nag-dinner ang mga yan sa Mang Toto na tumama naman kasi sinabi nga nila nung nakalapit na kami sa umpukan nila. Maya maya pa dumating na din si Idol Jing...since walang pasok kinabukasan (Rizal Day) nag-aaya silang gumimik kina Mamajo daw. Kaso may lakad ako ng maaga kinabukasan kaya di ako pwede. Matapos nilang ma-settle ang plans for the gimmick, sabay sabay na kaming sumakay ng jeep.
Ito na..lumalapit na ang kwento....
Sa jeep, nagbabayaran na sila kasi malapit lang sila..si Lorie ang nangongolekta then sabi nya sakin "mamaya ka pa magbayad?" sagot ako "oo, kasi madalas kung san san lang ako binababa, sayang pag nakabayad na ako." Nakatapos syang mangolekta at nagbayad...at nagsimula ang kwentuhan sa kwentong may mga ibang driver nga hindi mabait basta ka na lang ibaba, minsa pa sa walang taong lugar..then napunta na sa kung anu-anu pang topic hanggang magba-bye na sila Mamajo, Lorie at Nikki sa may tapat ng Jollibee Crossing. Naiwan kami ni Otep, kwentuhan ng kung anu-anu din lang kami hanggang sa dumating na din sa tapat ng bababaan ni Otep sa Anos. So ayun, ako na lang at ang tatlo pang sakay ng jeep. Usual naman, since ako na lang mag-isa..kinuha ko ang cellphone ko at nakinig sa favorite station. Then nung makalampas ng Bayan, since sigurado na akong dederetso sya sa Calamba eh nagbalak na akong magbayad. Kuha ko si coin purse sa usual nyang lagayan....wala, hanap sa may unang pocket ng bag...wala. Hmmmmmmmm nasan kaya yun? Hanap sa super loob ng bag, wala talaga. Napaisip ako, andito naman ang cellphone ko at ID so hindi ko sya nakalimutan sa racquet bag...hala nasaan ang coin purse ko?! Tapos panic na ako, kasi ba naman wala akong pambayad sa jeep..kuha ko ang wallet ko, baka sakaling may nakasingit na pera or may nailagay akong buong 10 pesos kasi di ko yun usually ginagastos at nilalagay ko lang sa alkansya. Kapalad ko naman, WALA...ni singkong duling, WALA! kapkap ako sa bulsa ko..baka ba kahit di ako naglalagay ng pera dun eh may something happenned at just for tonight meron syang laman...WALA din! Naku...isip na ako ng ano ang gagawin!? Siempre being a good person (CHOS) sasabihin ko na lang kay Manong driver na wala akong pambayad kasi naiwan ang coin purse ko....eh ang palad ko nga tonight. Nang naisip ko yang brilliant idea na yan eh tumigil si jeep at may sandamakmak na sumakay..isang pulutong. Napuno ang jeep, eh malayo ako kay Manong driver, nasa 2nd to the last ako eh. Pano na yan? Ayaw ko namang i-braodcast na wala akong pambayad. Nagsimula na akong pagpawisan kahit na malamig naman ang gabing ito. May mga scenario ng tumatakbo sa utak ko kagaya nang:
- Sana bago pa mag-Bagong Kalsada bumaba na ang isang pulutong na ito at ng makapagsabi ako kay Manong driver na wala akong pambayad.
- Sana may makasabay akong taga-Bagong Kalsada na pwede kong utangan.
- Sana sa pasahero nya eh may baba sa Bagong Kalsada para di ako ang magsasabi ng "PARA" at sasabayan ko na lang yun...kaso sa thought na ito, na-scared ako kasi pano kung pagbaba ko kahit na hindi ako ang papara eh habulin ako ni Manong at sabihing "oi Miss hindi ka pa bayad"...mas matinding kahihiyan ito pag nagkataon..at malamang di katanggap tanggap ang paliwanag ko kasi nasa act na ako ng mag-1-2-3 pass =P.
- Kung walang bababa sa Bagong Kalsada, dumeretso na lang akong Calamba, mag-withdraw at saka bayaran si Manong at saka bumalik ng Bagong Kalsada.
Hayz! Malapit na...ano kayang scenario ang matutupad?....pinagaadya pa din naman ako...kahit na for some reason eh halos lampas na sa kanto eh saka lang may nagsabi ng magic word na "PARA." Ayun pagkababang pagkababa nung pumara eh sumunod na din ako..walang lingon lingon. Wala namang humabol na boses! Ayus! Nakalusot ako..next sa tricycle naman. Tawag ako sa Nanay ko at sabi ko abangan ako sa labas ng bahay with pambayad kasi wala akong pera. Buti na lang may load ako, di pa naman sablay to the max. Yun! Ganun pala mag-1-2-3. Kaka-nervous.....
4 comments:
Ayan Marya! relate na relate ako haha... Sana makagawa din ako ng Blog na gaya nito! Nakakatawa, na mapapaisip ka talaga. Mate-test ang diskarte at decision making kung ganu ka kabilis magisip sa mga ganitong sitwasyon!!!
hahaha! ang saya naman, talagang kasama kami sa blog mo :) Well, I guess you have learned a thing or two from this funny but at the same time uncomfortable experience.
You made my day! Tawa ako ng tawa habang binabasa ko ang blog mo. Thanks Mary for the good laugh.
buddy ko! feel na feel ko ang post na ito. kung mangyayari man sa akin ito, ganyang ganyan ko din sya isusulat. :D aliw!!!
Naku Marya... pinatawa mo ako ng todo! Biglang bumalik sa akin yung nangyaring ganyan din pero mapalad ako kasi may kasabay ako na taga-IRRI. Hindi ako nagsabi sa kanya pero nahalata nya na hinahalughog ko ang bag ko kaya sya na ang nagsabi na sya na daw magbabayad. Tapos pagbaba namin sa crossing, inaabutan nya pa ako ng pang-tricycle. Gaano naman kabait yun! Pero hindi ko na kinuha, nagpasalamat ako at sinabi ko na maglalakad na lang ako kasi malapit lang naman ang junction. Taga-riyan sya sa bldg nyo, I forgot his name na, bihira ko lang sya makita. Haha! buhay talaga...
Salamat sa kwento mo!
Labs, ate Beng
Post a Comment