Friday, July 11, 2014

FSSSP Commercials

Location: Eurotel Clark, Angeles City, Pampanga

Mula sa aming room sa 5th floor, me and my roomies: Tita Vangie, Kitin and Anna, sumakay kami sa elevator pabalik kaming conference room sa 2nd floor. Nauna si Tita Vangie tinapatan nya yung elevator buttons kaya sya na ang nag-press ng 2 for 2nd floor, ako naman eh katapat nya at busy saking cellphone (may wifi kasi). Pagka-press ng 2 sinunod nya ang close door button pero almost halfway lang sya nag-close at nag-full open ulit sya. React ng halos sabay si Anna at Kitin na yung close button daw, sabi naman ni Tita Vangie yun nga ang pinindot ko. At habang sumasara yung door ng elevator sabi ni Kitin baka may sumakay, hindi lang natin nakita (at parang pahabol lang na sakay). Pagdating ng 3rd floor tumigil at nag-fully open ang door, wala namang tao. Nag-close ulit ang door at sabi ni Tita Vangie, hindi naman daw nya nakitang umilaw ang 3…baka daw may pumindot sa 3rd floor sabi naman nung 2 sa likod…sabay sabi ko naman habang busy pa din sa phone “ah baka po sa 3rd floor bumababa yung kasabay natin kaninang hindi natin nakita.” Ayun nung mag-2nd floor at nag-open na ang door, halos mag-unahan sa paglabas ng elevator….hahahaha dinugtungan ko lang naman ang usapan nila natakot kagad =P

*****
S&T Updates sa Region 3

Emcee na si Rose pinapakilala ang next speaker: Let’s welcome po ang ating minor de edad na speaker Darwin Manumbali….batang bata pa (fade away sabi pa nya habang paalis ng stage)

Darwin naman nag-react as soon as makuha ang mic “may asawa na po ako, hindi na po ako bata”

Then nag-lecture si Darwin, after ng lecture balik si Rose

Hirit ni Rose bago ipakilala ang next speaker “Wag kang mag-alalala Mr. Darwin, ako din may asawa na”

Nag-jojorayan ba kayo?

*****
Kuya Roms while answering questions from participants, one participant asked about plant breeding to which he replied “ah yan po ay para sa mga plant breeder, ako po ay human breeder.”

****
Sa session ni Rigo, Q&A about Nutrient Management, isang Ate naguluhan sa presentation ni Rigo kaya ayun, nang-away hahaha … yan ang magiging headline ng kaganapang ito kung sakaling mapa-tabloid. Eh kasi naman si Ate parang galit na galit kay Rigo at mukhang tumaas ang high blood sa tono ng kanyang mga tanong.

****
S&T Updates sa Region 2

After ng presentation ni Kuya Roms on AWD, ang take home message ng mga participants male and female alike “Breast milk is best for babies up to 93 years.”

*****
Hindi pa man natatapos ang presentation ni Rigo on Nutrient Management may isang Ate na nag-comment na nakakalito ang DAS na ang ibig sabihin ni Rigo ay Days After Seeding kasi daw ang alam ng mga farmers (at ng lahat din) ay Days After Sowing yun. So ni-take note ni Rigo, deretso ulit sa presentation at ng matapos, nag-Q&A na..may isang Kuya na nag-ask ng clarification kasi ang intindi nya wala munang fertilizer 14 DAT at 21 DAS, sinagot naman ni Rigo na ito ay specific lang for Nitrogen application base on LCC reading. Maya maya tumayo si Ate na nagtanong kanina about DAS at yun na naman ang isyu nya, kaya sinabihan na lang sya na NOTED po yun ATE…next time po lalagyan ng for Direct Seeding. Kulit mo ‘te!!!!

*****
First meeting sa Region 6, kinaon kami ng isa nilang staff ang name ay Richard G. (hindi Gomez, pero di ko na sasabihin, itago na lang natin sa name nayan). Pagdating namin sa station, medyo maaga pa kaya nag-decide na mag-libot na muna at habang nag-hihintay kaming makumpleto, itong si Kuyang driver na kumaon samin, nalamang malakas ang gaydar ni Rigo kaya naman sinimplihan ni Kuya si Rigo at ni-ask if nasasagap ba nya yung kumaon samin kanina. Tapos bumalik ulit kami dito para naman mag-S&T Updates, sya ulit ang aming kaon….so, eksena habang nasa sasakyan na kaming lahat at hinihintay na makarating ang noo’y lumalakad na papunta saming sina Kuya Roms at Richarcd G. Naalala ang tanong ni Kuyang driver last time kaya pina-assess namin si Richard G., Rigo naman ansabe tight shirt – check, skinny jeans – check, confirmed!!!!

****
Eksena sa Plane

Me being a people watcher….
Nauna akong maka-settle saking specified seat, 17D then while waiting for Kuya Roms na sa middle seat, nanood muna ako sa mga tao.

Scene 1:
Si Ate na may malaking bag nag-patulong kay Stewardess para ilagay sa stowage bin. Then si Stewardess nilalagay sa opposite stowage bin yung bag.
Ate: Ay pwede ba dito sa may tapat ng seat ko
Stewardess: Wala na pong available sa tapat nyo
Ate: Eh gusto ko katapat ko yung bag ko para pagkuha ko mamaya
Stewardess: Ok lang yun Ma’am sabay sabay naman kayong kukuha ng bag
Nga naman Ate, wala ka sa bus =P

Scene 2:
Isang babae (Ale na) 16E, 16E, 16E….sinasabi nya out loud habang nag-lalakad sya at tinitingnan ang kanyang boarding pass at seat number alternate..tapos nakita na nya at halos patalon sya sa pag-upo..kasunod nya ang mukhang asawa nya (kung pano ko nasabi, just by looking) si Kuya naman mukhang lost (at nag-hahanap pa), ni-ask sya nung Stewardess na nasa malapit samin (17D ako di ba! So sa unahan ko lang sila)
Stewardess: Sir? Anong seat nyo?
Mama: looking lost lang talaga, pinakita ang boarding pass
Stewardess: Ayan na pong tapat mo Sir.
Sumabat yung asawa nya (na just by looking ko alam) dito ka ah!
Si Kuya hindi naniniwala sa asawa nya =P buti na lang excited si Ate sa pag-upo at di na badtrip =P o baka di nya napansin na LOST ang asawa nya =P

Tapos dumating na si Kuya Roms kaya I need to let him in, so tumayo ako..at when I’m about to sit eh sa may unahang view namin eh may dumaang Steward
Kuya Roms: Confirmed? Confused?
Ako: Ah CONFIRMED!!!!
Madalas ito ang tanungan namin ni KuRoms pag may nakita kaming Steward =P
At yan ay confirmed na Bading o confused pa!
At kaya ko nasabing CONFIRMED! Just by looking ulit =P

*****
Eksena sa Iloilo Central Market habang namimili kami ng pasalubong na dried goodies

Nakapili na ako ng 3 kinds of dried squid at binabalot na ni Kuya para pwede syang isama saking mga damit, dahil si Sweeper ang check-in bag ko at habang nagbabalot sya, I wanna be informed kaya naman inu-usisa ko sya....
Ako: Kuya anong kaibahan nang 3 kinds of pusit nayan bukod sa size? Yan po ba ay small version at big version lang or talagang magkakaiba silang variety? Variety nga a bang tawag dun?
Kuya: magkaka-iba yan Ma’am!
At habang tinatanong ko sya eh tinuturo ko ang pusit na may tanong ako
Ako: Ano po itong maliit na pusit
Kuya: Ah yan ang tawag dito nyan ay ball pen kasi pabilog sya
Ako: Eh itong in between ng malaki at maliit?
Kuya: Ah sweet pusit yan.
Ako: Aba, so matamis ito, alin ang mas masarap?
Kuya: Parehas lang
Ako: Eh itong pinaka-malaki, sabay turo sa naka-sabit na pusit. Ano naman ang tawag dito?
Kuya: Pusit!
Ako: Pusit lang? Walang adjective man lang, yung isa ball pen, yung isa sweet, baka ma-inggit sya, walang tawag sa kanya
Kuya: Sige eh di BIG pusit!

Nakulitan na yata sakin si Kuya, kaya ayun...tumigil na ako baka mai-dry nya ako eh =P

No comments: