NCPM or the National Church Planting and Mission's conference ng church sa Subic at part ng package sa hotel eh ang mamili sa either Ocean Adventure or Zoobic Zafari. Sakin, wala ng pilipili, wala ng dalawang isip, OCEAN ADVENTURE ako siempre. Nung palapit na ang event, I asked some from our group sa professionals if gusto din nilang mag-ocean adventure, ok naman ang response, so positive vibes, mukhang matutupad na ang aking pangarap na makita ang Dolphins sa Subic. Nung mas lumalapit na, nag-assign na ng car pooling, ako ay siempre kasama ng professional's group kaso ang kanilang piniling puntahan ay Zoobic Zafari. Hindi naman ako nalungkot kaagad, naisip kong mag-isa lang naman ako baka sakaling may pwede pang pag-singitan sakin sa mga pupunta sa Ocean adventure kahit hindi na ako maka-join sa Pro. Hindi naman ako mahirap makisama kaya naisip ko kahit kanino akong car, pwede basta sa Ocean Adventure ang pupuntahan nila. But then, ako din yung ayaw maka-inconvenient ng ibang tao so I told Wilbert na if hassle na ihanap pa ako eh sige na lang mag-go na lang din ako sa pupuntahan ng Pro. Then nung week before the conference, nagkarron ng pag-asa, kaya pa daw akong i-accommodate sa sasakyan nina Doc Olyn. YES! natuwa naman ako kahit na mamimiss ko ang pro, bonding moment din sana ang long travel na ito, pero gusto ko talagang makita ang dolphins kaya let go ang bonding with the pro. Nakipag-set na ako kay Doc Olyn ng time and place of pick-up, settled na ang lahat. Nung week na ng conference (October 18-20) nag-chat kami ni Merc and may possibility na makasabay ako sa sasakyan nila, even better kasi masaya ding may kahuntahan sa long travel at Ocean Adventure din sila. Pero hindi ito natuloy...ok naman din kasi at least hindi ko kailangang gumising ng ubod ng aga. Tapos eto na, day na nang alisan....ang Pro eh mga 5 AM umalis ng LB, the rest is a little late lang din sa Pro, kami yata ang huling umalis, pati sina Kuya Paul...by 9 AM eh nasa Bagong Kalsada na ang aking mga kasama, sakay ng bagong bagong Starex nina Doc Olyn.
![]() |
| Kuya Nick (kapirasong mukha lang ang kuha), Ate Aileen, Doc Olyn, Ako, Ate Analyn and Kuya Edwin; front seat at di nakasama sa picture si Sir Arnold (husband ni Doc Olyn) |
Ansaya ng mga couples na kasama ko, since mga business men ang pinaguusapan eh cars, properties, golf...yaming stuff, nalula ako lalo na dun sa usapang cars, milyones ang usapan. Ang su-sweet pa nila, I love the husbands, how they protect, alalay their wives and how they speak lovingly of each other. Tapos siempre since ako ang single sa sasakyan, napunta siempre sa usaping hahanapan nila ako ng foreigner (I don't know why foreigner kagad, pwede namang Pinoy). Ka-convoy pala namin sa road sina KP at Mother Ahl and the kids pero since nagbi-break-in ang Starex eh naiwan na din nila kami.
After ng mahabang road trip, nakarating na kami sa Subic at since bago si Kuyang driver eh niga-guide sya ni Kuya Nick, kaso may isang na-miss na turn si Kuya na nagpabago ng aking tadhana =P. Instead na papunta na kaming Ocean Adventure eh napapunta kami sa Hotel at dahil nakarating na silang lahat sa Ocean Adventure at malamang napagod na sa byahe at mas inviting ang hotel eh napagkasunduan nilang mag-stay na lang sa hotel at wag ng mag-Ocean Adventure. Ni-o-offer naman nila ang car and driver pero kasi nakakahiya naman kaya sige na lang, baka it's not yet time to encounter the dolphins of Subic. To be honest, nalungkot ako pero mabilis lang naman ding naka-recover. I went up to my room, siempre wala pa ang mga roomies ko kasi nasa Zoobic Zafari pa, pero sa di katagalan eh dumating na din si Myles.
Dahil alam ni Myles na excited ako to see the dolphins, sya ang nag-effort to find ways para makahabol kami sa next show, pero malabo pa din kaya sinukuan na din nya at niyaya na lang nya akong mag-stroll sa mall na malapit sa hotel. Then I told her, malay mo pagbaba natin may miracle, sabi nya ayan gusto ko yang thought na yan. Ayun, walang miracle! Nagkape kami at nagkwentuhan, ang bagay na hindi namin magawa sa LB lately eh nagawa namin dun...ang magkape =P. Pagbalik namin I texted Merc na hindi din ako naka-Ocean Adventure. She replied na gusto mo sa Sunday na lang, samahan kita at i-ask ko if pwede pa yung ticket. I replied na "sige, pag pwede."
Then nung dinner welcome party kung saan magkikita lahat ng delegates, natuwa ako sa madaming tao. I felt soooooooooooooooooo LOVED =). Since kasama ni Merc si Ms. Rhea sa sasakyan at sa Ocean Adventure eh nalaman nya na ding di ako nakaganun, so she felt sorry for me at alam din nyang excited ako for that (kasi I posted it on my FB)...sabi nya sakin pinagalitan ko na sina Ate Aileen na bakit hindi ka sinamahan. Then nakita ko during kainan si Pastora Ahl sya din nalungkot sya for me and she even ask if hindi pa ba ako nakaganun ever then I told her na sa Singapore nakanood na ako...pampalubag loob nya, "ah mas maganda yung sa Singapore naman kaya ok na din". Pero ayun, sana pala samin ka na lang sumabay sabi nya. Then maya maya pa bago pa magsimula ang program for the night eh si Kuya Paul naman ang nakadaupang palad ko at sabi din nya di ka daw naka-Ocean Adventure, sayang! sana samin ka na lang pala sumabay. He even share ang 3 things na natutunan nya, Reuse, Reduce, Recycle. All the more na hindi na ako nalungkot na hindi kami nag-meet ng dolphins. Walang wala na actually ang lungkot, naisip ko pwede naman akong bumalik or basta balang araw at saka sayang ang effort hindi naman yun ang main reason why I'm in Subic, kaya drop the sadness and get on with the NCPM.
Kinabukasan, first day ng conference...si Mommy Cathy naman ang nakadaupang palad ko sa registration area. Papalapit palang ako eh sad face na sya indicating na alam na din nya na hindi nga ako naka-Ocean...so ako pa ang nag-comfort sa kanya by saying "Ok lang yun Mommy Cath" sabi nya "hindi, hindi OK" sya kasi ang gumawa ng paraan para makasama ako sa sasakyan na papuntang Ocean Adventure, sya ang kinausap ni Wilbert...so yun, nakakalungkot nga naman na nagawan ng paraan tapos hindi pa din natuloy. At since andun si Ms. Rhea at Merc sa registration sabi nila sakin na wag kang mag-alala, ipapasyal ka ni Merc sa Sunday.
Then the conference proper.....walang wala na ang dolphin sa isip ko kasi the talk and everything sa conference is to be absorb and it's worthy of my full attention.
Come Saturday afternoon, nagtext si Merc na pwede pa daw yung ticket for the Ocean Adventure ng Sunday....YEY, nga lang magko-commute na tayo, hindi na tayo makakasabay sa kanila. Eh nahiya naman akong abalahin si Merc just for that, so ni-drop ko lang yung idea. Like ayaw kong asahan, kasi ako man eh ayaw kong ma-inconvenient sa pag-commute pauwi...
Sunday morning, last day ng conference at till morning lang, lunch then going home na ang lahat ng delegates..pinag-empake na nila kami bago pa man kami pumunta sa session para ready to go na after lunch. Nag-text si Doc Olyn if sasabay ako sa kanila, since hindi nga ako sure if matutuloy kami ni Merc at ayaw ko ding maka-cause ng inconvenience sa kanya, nag-reply ako kay Doc Olyn na dadalhin ko na ang gamit ko sa sasakyan nila indicating na sasabay din ako pabalik. Pero God is so good and alam nya din na gusto ko talagang makita ang dolphins kahit pa ayaw kong makaabala eh He sent angels na willing maabala, ma-inconvenient or sadyang mga layas lang....pagdating ko ng conference hall eh ni-ask ako ni Merc if I'm ready to go na, told her sige pero sinu-sino tayo...
![]() |
| ang mga layas: Ako, Merc, Cherry, Easah and Gian |
Then, nung lunch time, I told my sasakyan-mates na hindi na ako sasabay pauwi kasi maglalayas pa kami...todo habilin sila like parents at siempre ni-ask if sinu-sino kami at habiling mag-ingat at siempre mag-enjoy. Ako din sabi ko sa kanila ingat din paguwi =) at thank you!
After naming ma-send off ang lahat ng delegates, nagpakuha na din kami kay Manong guard ng taxi para makasimula na kami ng aming Ocean Adventure =) At yun, from here on.....ANSAYA SAYA! Nakita ko ang dolphins and more...may Aeta na nagturo ng jungle survival, may mga Kenyan na nag-balancing act at merong cute na sea lions na nag-show din for us. At siempre ang aking mga paboritong creatures in the whole wide world.....
![]() |
| Hindi pa man nag-sho-show eh nagpapakitang gilas na itong isang ito =) |
![]() |
| Not just ONE but FOUR! Oh-My-G...so G-R-R-R sa ka-cutan |
![]() |
| walking on waters |
![]() |
| only "Ahhhhhhhhhhhhhh" and "Woooooooooooowwwww" ang naririnig ko sa Audience, siempre kasama din ako dun |
![]() |
| Gusto ko ding magpatilapon ako ng ganito while playing with the dolphins |
Hanggang sa muling pagkikita! Sana sa wild na yung susunod =) Maraming salamat sa mga nagpaiwan at naki-nood sa Ocean Adventure. Kay Merc, love mo talaga ako!!! I'm so LOVE! As in!







1 comment:
Ang galing ng camera mo, Mama Mary! :D Twas indeed an awesome time, back there, in Subic. hihi
Post a Comment