Kwentong kumyutera ulit ito!
Kaninang umaga byaheng pa-UP Kaliwa ako...good morning Mr. Kindness in the flesh! Kindness begets kindness, or simply being kind make things possible..kung bakit eh yun ang kwento.......
Pagkatawid ko, saktong sa maliit lang na jeep (cute na old style na jeep)...asked Manong if Kaliwa, agad naman syang tumango at naglagay ng signage. Sa di naman katagalang pag-a-antay ng pasahero eh umarangkada na si Manong Driver kaso tumigil ng onti ulit sa di pa kalayuan...sigaw sya dun sa mga naka-sabit pala sa likod....ayaw nyang umalis hangga't hindi sila bumababa...bumaba naman sila pero gusto talaga nilang sumakay, kaya naman sabi ni Manong Driver, dito na lang kayo sa unahan, sagutin ko pa kayo pag nahulog kayo jan sa pagsabit....Yung pinasakay nya eh dalawang Badjao, yung nagtutugtog sa mga jeep pag traffic..mga binatilyo na ang dalawang ito. Bago pa sila tuluyang maka-upo eh mega pasalamat "Kuya salamat po, salamat!"...
Andar andar ang jeep.....tapos Bayan na..slightly mabagal ang andar, hoping for pasahero si Manong. Yung dalawang batang Badjao, nagbibilang ng coins nila...natuwa ako kasi usually hindi sila nagbabayad..galit pa nga sila pag siningil or pag pinilit mong pababain eh nuknukan naman talaga sila ng ewan kasi ayaw magbayad...pero since nabaitan ang dalawang Badjao kay Kuya, ayun nag-abot sila ng bayad nilang dalawa...Sabi naman ni Kuya, wag na! sabay ngiti sa kanila...(hindi insult look ha!). Natuwa na naman ang dalawa, hindi na naman magkamayaw sa pagpapasalamat.
May sumakay na dalawang men in uniform (mga batang batang pulis) inisip ko, malamang magbabayad naman ang mga ito...tatanggapin kaya ni Manong?..sabi ko sa isip ko, sana tanggapin nya para both of them will have dignity for their roles....
Crossing na...traffic...andar pa ng konti..nag-abot ng bayad si Batang pulis...hmmmmmm kukunin kaya, nakatingin ako kay Manong Driver....aba kinuha, natuwa naman ako =)
Tapos pumara na iyong dalawang binatilyong Badjao..."salamat Kuya, Kuya salamat" yan ang sinasabi nila habang bumababa...
It's just amazing, to think na madalas ang scene eh ang hostile ng jeepney drivers sa mga pulubing Badjao kasi nga naman ayaw magbayad kahit pa sang lupalop sumakay at madalas pa eh madami sila...hehe pero since kindness ang pinakita ni Manong Driver, kindness din ang isinukli sa kanya.
'twas a nice jeepney ride ...tho I'm late for work =P
No comments:
Post a Comment