Isa akong kumyutera, araw-araw akong sumasakay sa jeep papuntang opisina at pauwi. Sa araw-araw na yan, may mga pagkakataong nakakaaliw ang buhay jeepney at ito ang aking istorya…..
Isang umaga, papasok ako sa IRRI, sakay ako ng jeep na ang ruta eh Sta. Cruz-Calamba. Pagtapat namin sa may palengke ng Los BaƱos, sa Crossing, may sumakay na Ale na tila magtitinda ng isda. Yun ay hula ko lamang dahil sya ay nakasuot pa ng apron na may kalikaliskis at may bayong at basket sya at siempre ang medyo amoy nyang malansa pero di naman sa pagsusuplada ang istorya ko kaya wag kang mag-focus dun. Pagsakay nya medyo umandar lang ang jeep at nakarating sa tapat ng Mercury Drugstore tapos nagbayad na si Aleng tindera….tanggap ni Manong driver, nga pala mahalagang malaman nyo din kung nasaan akong bahagi nakasakay...ako ay nakaupo sa opposite ng likod ng driver, so ang nakatalikod sakin eh yung pasahero sa unahan na katabi ng driver. Tanggap si Manong driver ng bayad eh 50 pesoses ang bayad ng Aleng tindera. Tinanong sya,
Driver: San ‘to?
Ale: Sa Bae lang
Driver: 8.50 lang
Ale: eh wala akong barya (medyo malaki syang Ale at hindi sya nakatingin kay Manong habang nagsasabi syang wala syang barya)
Di na umimik ang driver, malapit na kami sa riles ng tren sa may Maahas nang magsusukli na si Manong driver….Sa duda ko’y nanghahamit lang si Manong driver. Akalain mo ba namang ipagpilitang tag-pipiso ang isukli at ang nakakaaliw pa eh kahit mahirapan sya sa pagbilang ng sukli basta makapagmaldito lang. Kasama na ang braso sa pagmamanibela kasi naman nagmamaganda…ayan nahirapan tuloy. Pag-abot nya sa katapat kong pasahero natawa ito sa pag-abot sa Ale ng barya. Sagot ng Ale, ayan andami ko nang barya! Sabay tawa. Palagay ko tumama sa pagbebenta si Aleng tindera kaya wa sya care sa pagmamaldito ni Manong driver. Hayun sa dala nyang bayong nilagay ang sukli nyang mga barya. Di ko na nabalitaan kung nagpaalaman pa ba sila sa pagbaba ni Aleng tindera kasi nauna na akong bumaba sa kanya…..
Ikalawang Aklat …kadobol nalang pala
Byaheng Sta. Cruz na naman ang nasakyan ko. Ako ay 2 passengers away from the driver tapos mga 3 passengers away naman sa Aleng isasalaysay ko na tatawagin kong Lola taray. Ilarawan ko na din ang pagkaka-upo ng Lola mo. Nakahilig ang kanyang katawan sa direksyon ng driver at nakaupo ang bag nya sa kanyang tabihan sa direksyon ko, medyo may isa’t kalahating tao silang pagitan nung Mama na nasa dulo ng aming upuan, sa may sampahan sa pagsakay. Yung kabilang upuan naman eh di din puno, halos 3 lamang ang sakay, isa sa halos katapat ko at 2 sa dulo. May kahabaan ang jeep, kaya naman pansin na pansin ang kaluwagan. Tapos eto na sa bandang Andoks sa may pagkalampas ng Jollibee Crossing eh tumigil si Manong driver. Sumakay ang isa pang matanda na ding babae na may kasamang tila dalagang alalay nya, tawagin naman natin silang si Lola taba at Julalay. Mukhang tinutuloy nila ang kanilang kwentuhan habang sumasakay kaya naguusap pa din sila habang nilulugar ang sarili. Siguro ay excited sa pagtutuloy ng kwento kaya di na sila lumayo ng upo, naupo ang Lola taba sa tabi nung Mamang nasa dulo at sinabihan din nya yung kasama nyang dalaga si Julalay na sa tabi naman nya umupo. Kaso medyo masikip, kasi isa’t kalahating tao lamang ang pagitan ng mataray na Lola at ng Mama na nasa dulo. Ganito na ang kwento. Sinabihan ni Lola taba ang Julalay na pausudin si Lola taray kaso bago pa makaimik si Julalay nagreact na si Lola taray ng ganire:
Lola Taray: Eh bakit kasi andami namang bakante, ipagsiksikan ba ang sarili jan.
Lola Taba: Eh may nakaupo ba jan sa unahan mo?
Lola Taray: Wala
Lola Taba: Eh wala naman pala eh uusog lang naman ng konti.
Lola Taray: eh andami namang bakante eh di dun umupo.
Habang sinsabi yan ni Lola taray, di sya natitinag sa kanyang mala-Binibining Pilipinas na pagkaka-upo at ni hindi nya inangat man lang ang bag na nasa tagiliran nya.
Habang nagsasalitaan silang 2 Lola eh si Julalay eh lumipat na lang sa katapat na upuan para di din sya kalayuan sa kasama nyang si Lola taba.
Akala mo ba tapos na ang kwento…hindi pa, ngayon wala na silang in between kaya mas umaatikabo na ang diskusyon…..
Lola Taba: eh bakit po ba hindi pwedeng umusod, wala naming nakaupo sa unahan mo?
Lola Taray: eh bakit kasi jan ka uupo, bakit di ka maghanap ng bakante….ayokong umusod, right ko yun
Lola Taba: hindi mo yun right, public ito kaya walang rights rights
Lola Taray: eh wala kang paki-alam kung ayaw kong umusod bahala kang humanap ng pwesto mo.
Lola Taba: Matanda ka na, magpakabait ka na!
Lola Taray: Wala kang pakialam sakin. Kung gusto mong magpakabait bahala ka sa buhay mo, sakin wala kang pakialam.
Di na ako tumitingin sa direksyon nila kaya nung nanahimik eh di ko alam kung nagkatapos ba sila sa irapan…hanggang sa naririnig ko na lang na tuloy na ulit ang usapan ni Lola taba at ni Julalay….
At bago ako bumaba, si Lola taray, ganun pa din ang kaitsurahan….in her so Binibining Pilipinas na mayuming pagkakaupo yun pala eh isang Majoray na Lola. Mind you pipz, hindi sila mukhang ewan na Lola ha, parang mga may pinag-aralan naman….. Sayang nga lang di na umabot sa physical na laban….first time ko sanang makakakita ng nagrarambol na Lola.
O sya, hanggang sa muling kwentong jeep…..AHAHAHA
Ako, 28 October 2008

1 comment:
hahaha
Post a Comment