Saturday, August 14, 2010

Katakataka pero masaya

It’s in deed a great week! May masayang nangyari sa office kanina. Isang maganda at mahimalang araw or mas dapat sabihing masayang pagbabalik. Pumasok akong mukha namang normal ang mga bagay bagay. Usual day at the office, usual mood of roommates at ang usual yung pagkaharap mo sa computer saksak si earphone at gawa ka na..basa muna ng e-mails (both Outlook and G-mail), buzz, chats..tapos wala na ulit imikan forever hehe. Pagdating ng 10AM, ito ang something unusual, since break at gutom kami ni Omar, nag-decide kaming sa Umali mag-merienda instead na sa coffee room kung saan ang snack eh kwento at kape. Normal lang din naman ang lahat until makabalik ako ng room at mabasa ang note sa may computer monitor ko. Since alone ako pagbalik ko, wala akong matanong kung kanino galing kasi di ko masyadong maintindihan ang sulat ng name at mostly nagtataka ako or di ko maisip kung totoo nga ba ito na sya. So yun kinuha ko sa pagkakadikit sa monitor ang post it at talagang sinipat ko ang sulat, di naman siguro sya, pero kung sya, aba bago yan ah! Tapos timing naman na dumating si Caren, at sya din meron sya nung same look I have written all over my face..hehe so yun di man sya magsalita nagkaintindihan na kami….and the note says:

10:15
Mary
Sabay na tayong magkape
Annie

At kagaya ni Caren kahit hindi sya nagkakape eh napakape ulit naman ako sa tuwa sa pagbabago. Sana tuloy-tuloy na sya, kahit pa manginig kami sa kakakape basta maging masaya lang ulit sya at dahil dun magiging masaya din ang room namin. Salamat sa surprise God!

Ako, 29 July 2010

1 comment:

olivyn angeles said...

Sana nga ay tuloy tuloy na ang himala...i wonder what could have been her tipping point. whatever it is, it is only by God's grace that it happened. manginig ka sa kape...:)