Saturday, August 14, 2010

Overdrive

Finally natuloy din and Alabang-Makati driving ni Liezel, kaya siguro na-postpone sya twice kasi iniintay na din si Lyman para isang lakad. So ito na kami ngayon, ang original na mag-city driving Liezel, Pogs at ako plus ang balik-bayang si Lyman at sinama na din namin si Omar. Si Liezel ang driver, si Pogs ang navigator at teacher…parehas silang makulit at panikero..ang ingay pa. Kaming 3 naman na pasahero sa likod mga chuwariwariwap o tagatulog.

Our first destination, ATC for lunch, sa food court kami..Ilonggo grill. Tapos silip kami sa Cinema pero konti lang ang choices kaya yun drive all the way to Makati kami.

Ikot muna kami sa mga shops sa Glorietta, looking for Lyman’s shoes at kung anu-ano pang gamit na needed naman ni Pogs sa kanyang pag-alis..kaming 3 nina Liezel at Omar la kaming pan-shopping kaya ayun katakot takot na windows lang.

Tapos nood kaming sine muna bago mag-resume sa ikot sa mga shops. Nabully naming dalawang Ate ang tatlong bata batuta kaya napilitan silang manood ng Hating Kapatid….di naman sila na-bored to the max kasi madami namang funny scenes. Nakakatuwa lang yung thought na para mapagbigyan kami eh pinili ang Hating Kapatid over Inception para lang ba sama sama together….siguro out of respect na din for us o talaga lang loves kami ng 3 batang ‘to. Tapos after ng movie watching ikot ikot ulit, wala namang nabili si Lyman. Itong si Pogs nung lumuwas kami two-eyed Pogs sya at uuwi ngayong 4-eyed Pogs na.

Tapos ito na, ang main event….ihahatid namin si Lyman sa Mega Mall at yan ang highlight ng adventure of the day. Hindi pa ever nakapag-drive si Pogs sa EDSA, at dahil car yun ni Liezel at ang theory na mas forgiving mga officer sa Lady driver kaya si Liezel ang pinapag-drive ni Pogs, mula sa loob ng Mall hanggang sa parking eh kinukumbinsi ni Liezel ang sarili nya na kaya nya yun at sasang-ayunan naman sya ni Titser Pogs kaya sige…GO EDSA!

Lahat kami gising, active sa pagtingin-tingin sa paligid, either sa mga road signs or sa mga who to follow na cars or basta..parang kailangan lang maging alive, awake, enthusiastic. At kahit na ganun kami, namiss namin ang exit pa-Mega Mall at namiss din namin ang lane kung saan pwede sana kaming lumiko freely pa-ADB kaya ayun, after naming mag-super swerving eh ayan na si Police officer. Siempre ang theory kanina, napatunayang totoo nga…nga lang may halaga ang forgiveness, tumataginting na PhP 500, naiimagine ko ang pagkapangalumbaba ni Ninoy eh malamang ganun din ang larawan ni Liezel hehe. Pero di bale, ihahatid naman kami ni Manong Police pa-Megamall at itinuro din nya paano kami uuwi or babalik sa kalye pauwi. Mahal ng guide fee ni Mamang Police! Pero ganun pa man..I think it’s still a great day kaya kahit na may aberya…nagawa pa naming pagtawanan ang mga bagay bagay at i-incorporate sa magandang experience of the day.

Nang maihatid namin si Lyman sa mga friends nya, nag-decide kaming tumambay muna sa kofishop ng powerbooks para magpalipas ng oras at ng maluwag-luwag na ang kalye…..

Nung pauwi na, hindi kami talaga marunong mag-follow ng instructions, kaya ayun, namiss na naman namin ang U-turn na sinasabi ni Mamang Police ang layo na namin bago makakita ng U-turn slot…..hayz talaga namang habol pa pati sa uwian.

Truly a whole day of unforgettable experiences!!!! These are moments you will cherish as you travel together with friends. Thank you Daddy God for blessing Liezel with car, I’m blessed with it as well.

Ako, 7 Aug 2010

No comments: