Wednesday, May 11, 2011

Kala mo ha!

Kakasulat ko lang ng “Wala lang” at pinagmamalaki ko dun na unaffected na ako ng mga tao sa paligid pero ano ako ngayon…hehe. Ang galing talaga ng pagkakataon, magaling magpakilala ng sarili, para nyang sinabi sakin “etong sa’yo” hahaha. Pero gusto ko sanang ilagay sa perspective na another level na siguro ‘to, nag-improve na ako or so I think..bwehehe. At eto ang kwento…

Meron akong ina-arrange na lakad, isang group na napulot ko sa survey…nalokah ako ng yung mga eager na eager sa lakad eh sya pang nagsabi na i-cancel ang ilan sa pinalista nila, at ang timing nang pag-cancel eh immediately after kong i-out ang e-mail na nagsasabing wala ng magbaback-out otherwise maghanap ng kapalit or magbayad kahit hindi na makakasama. Hindi ko na nga type yung ganung condition, coz I totally thought since eager silang sumama eh walang urungan until the end. But “NO!” at parang di din nila binasa man lang ang content ng e-mail ko, kung maka-reply….anyways, naghagilap naman sila ng kapalit kaya sige….baka naman OA lang ako, AKO talaga!!!!

Yung isa naman eh may lakad dapat ako this Thursday night, one of those spontaneous lakad sana sya, yung tipong naisip mong gawin, may pumatol, na-excite ka, kaya sige GO! Pero sumama ang panahon, may mga stranded sa daan, di sure if oks na by the time ng lakad. Tapos may mga iba pang nag-sulputang dahilan, enough para i-cancel ang supposed to be spontaneous na lakad. Saya sana, mala-Davao naming lakad ng mga officemates on a one coffee talk at mala-iba pang lakad namin nina Tiny….yung maisipan lang….sya yung tipong “What you can imagine, you can achieve” hehe ang lalim..lakwatsa lang to…oi!!!! Tapos ayun….na-settle, humupa ang excitement, kasi wala na talagang lakad, final na…di na tutuloy. Tuloy naman ang buhay, regular day, maayos ang lahat, nalungkot ng konti pero settled na. Then may nanggulo, nagpakita ng pag-asa....nabuhay ang excitement. Naisip ang possibilities……tapos hindi pala…false hopes pala. Parang linya ni Sweet sa Here comes the Bride “Ayun na eh!!!, yun na yun!!!

Kaya eto, sinisisi ang sarili, bakit ka nagpa-apekto? Affected ka pa pala ng ibang tao eh, kala mo ha!!!!

Naisip ko lang, nauubos na ang kakilala kong OO until the end, kahit na kasubuan na lang. Tapos parang hindi naman nagma-matter kung anong naramdaman ko, parang wala lang naman sa kanila…..ASAR TALO lang ako. Sabagay, sino ba naman ako!?

Ako,
11 May 2011

No comments: