Madami akong gustong isulat, lalo na pag wala ako sa harap ng computer or wala akong mapagsulatan. Ito yung mga times na nagsusulat ang utak ko sa hangin. Nandiyang mapagisipan kong isulat ang lahat ng instant na nararamdaman ko, pero boring naman yun kaya wag ng ituloy. Naisip ko minsan palagi nalang malungkot ang nararamdaman ko…walang kwentang lungkot kaya wag na lang isulat. Minsan naman napadaan ako sa isang umpukan ng mga puno at napansin ko ang napakadaming alitaptap, ikinatuwa sya ng puso ko kaya gusto ko din syang isulat, kaso ano naman ang realate nun sa tinatakbo ng utak ko now?…kaya yun, di ko madugsungan. Minsan naglakad ako sa paborito kong daan pag mag iintay ako ng shuttle ng IRRI sa may PhySci, may structure kasing tinatayo dun kaya may mga pinutol na puno at palagay ko yung favorite kong namumulaklak na puno ang pinutol, sadness na naman yun, di ko na din pinagtuunan ng pansin. And just this week, isusulat ko sana kung paano akong nag-improve sa aking disappointment sa paghihintay ng tao..may meeting kasi kami dapat ng mga professional leaders kaso since wala akong cellphone eh di ko nakita na may text na postpone pala ang meeting, so, ayun na ako sa meeting place, dinayo ko pa ang Burger King Halang. Pero surprisingly, di ako nakadama ng inis, ni slight inis, siguro kasi meron naman akong book at mp3 player to accompany me, siguro din kasi nasa ibang lugar ako kaya di ako mukhang kawawa na nagiisang kumakain habang barkadahan ang nasa paligid ko. Or siguro kasi kinausap ko ang sarili ko na sayang naman ang effort to feel inis. Tapos just this weekend, nararamdaman ko ang boredom creeping in my system, bago pa mag-manifest ang mga symptoms nya, pinigilan ko na kagad….nagbasa ako ng Chronicles of Narnia. I love what I read, nakalimutan kong mabagot, I love the word redemption, hope, new adventures…it’s a new world again after reading. Basta, lately, I’m mostly unaffected by people, or events happening around me..siguro wala na lang talaga akong pakialam….ewan! Ewan ko kung maganda sya, ewan ko din kung totoo ba yun? Hehe basta kung anuman ang nangyayari sakin eh ayus lang naman siguro, wala naman akong nasasaktan, at mabuti na din yun para di na ako madi-disappoint..mabuti ng walang expectations....Live as life comes! Kung anong ibato, syang saluhin!
Ako,
9 May 2011
Ako,
9 May 2011
No comments:
Post a Comment