Mahirap magpalaki ng magulang! Linya ng
mga anak na naaaburido sa kanilang mga magulang, Isa din ako sa
gumamit ng linya na yan. At nang minsang makatanggap ako ng text ng
isang kaibigan kasi di sya makakasama samin dahil sa parent issues
napapunta dito ang aking isipin. Pangalawa na sya actually, sa
nakausap kong may parent issues. Mga anak na tila hindi na kinakaya
ang gulo ng magulang.
Napaisip tuloy ako, siguro meron lang
talagang certain age ang mga anak na dapat kapisan sila ng kanilang
mga magulang. Kasi mukhang pag mga grownups na ang mga anak mas
marami ng mga bagay bagay na hindi napapagkasuduan kaya mas mabuting
bumukod na. Yan ay kahit wala pang sariling pamilya.
Siguro kasi malalaki na tayo at marunong na din tayo sa buhay…mga magugulang na din kumbaga. Nasa stage na tayo na kaya na nating harapin ang ating sariling buhay. Panahon na ito na tayo naman ang bahala sa sarili nating issues. Mas gusto na nating tayo ang magdesisyon, ang magkamali at matuto sa paraang tayo ang gumawa.
Naisip ko din baka din kaya madami
tayong conflicts with parents sa stage na ito, ito naman kasi ang
time na nama-magnify ang issues ng parents kasi time naman for them
to show us, their kids, ang kanilang human sides. Baka kasi alam na
nilang malalaki na tayo at kaya na nating i-handle ang fact na they
are humans, they have weaknesses s as well. Sila man eh may
immaturities din. Meron din silang frustrations sa buhay. Baka kasi
ito naman ang stage na akala nila since they have been strong all our
growing up years, they have been there for us, our superheroes when
we were growing up eh baka time naman nila to show that they have
soft spots as well. Yun bang pahanon na para hindi palaging mag-put
up ng strong front, hindi sila palaging matatatag. It’s their time
to show us that this is us, the other side of us, are you willing to
be there for us? At since malalaki na tayo, pwede ng asahan sa
katatagan eh sila naman ang nangangailangan ng mahabang pasensya,
pang-unawa, pagtanggap.
Pwede din naming akala lang natin
nakakakulili sila, yun pala nagkukulang lang tayo ng atensiyon at yun
ang kailangan nila. Parang kagaya ng biro ng Tatay ko na may lagnat
ako pag nasa bahay ako ng weekend, way nya yun to tell me na namimiss
na nya akong makasama sa bahay. Pero di na nya ako pinipigilan kasi
napatunayan ko na na responsable na ako sa buhay. Sa dami na din kasi
ng mga personal stuff/issues natin na tayo na ang nagso-solve
nawawalan na ng part ang ating mga magulang at I think na mi-miss
nila yun. Hindi naman sa makialam pero I think it’s the thought
that they are still needed, they are still part of our lives..yan ang
gusto nilang ma-assure natin sila. Siguro din mas mauunawaan natin
ito pag tayo ay naging mga magulang na and I bet “the cycle goes
on” sometime in our children’s lives they will use the line “ang
hirap magpalaki ng magulang.”
Ako,
Sometime in November 2012
No comments:
Post a Comment