Nanood ulit ako ng Thai movie "A Little Thing Called Love", pang-3rd ko na yata ito. Very high school na movie, tho graduate na ako sa age group na yan pagdating sa romantic love, naku! I'm so high school pa. I can so relate sa uber kilig kahit simple gestures. Napaisip ako dun sa question ng friend ni Nam "Crush mo sya for three years tapos wala kang plano na sabihin sa kanya, kahit alam mong baka hindi na kayo magkita?" Ganyang ganyan ako eh! I bottle up emotions, kahit pa uber gusto ko na sya.
I remember yung crush ko nung high school. Mahilig ako sa pogi, yung mga tipong crush ng Bayan like. Alam ko namang di ako kagandahan pero talagang ang mga crush ko eh pang-panaginip lang. Kung looks ang paguusapan, sila yung tipong di man lang ako masusulyapan. Ganun si high school crush, so pano mo pa naman sasabihin pa na crush mo sya kung ganun ang estado di ba?! Suntok sa buwan naman yan!
Nung college naman naging kabarkada ko si crush. Dahil mega tukso ang mga kabarkada namin, eh alam na ni crush na crush ko sya. Ang nakakainis (although nakakakilig yun non!) sumasakay naman itong si crush sa mga ilusyon ko. Pero hanggang barkada lang kami at ngayon, lokong yun, nakapag-asawa na, nalayo lang sakin nung nag-work..HMP!!!!
Back sa movie..so Nam decided na magtapat, ramdam na ramdam ko yung pain nya nung malamang na-late na sya by a week, meron ng girlfriend si Shone. Di pa naman ako nakapag-tapat kagaya ni Nam. Pero merong almost i-ask ko....hindi ko naman sya crush nung una, kaso kasusubaybay ko sa kanyang mga caring ways sakin eh ayun....nag-crash ako at crush ko na sya. He's caring, sweet, POGI hehe. He would always compliment me. Kaso nagkahiwalay kami at yun nalaman ko na lang na may girlfriend na at napangasawa na nya now. Mabuti na lang di ako nagsabi. Kaya mula noon, meron akong unwritten rule sa gate ng heart ko: unless magsabi, hindi ko bibigyan ng meaning ang gestures no matter how sweet, how kilig, ipagpalagay na "WALA LANG YUN!"
I am what Ramon Bautista said in his TFTFZ episode 6 na female torpe, pang tropa na na-trap sa pang-syotang body...babaeng ayaw mag-assume or tanga lang (kainis ang description nya ha!). Kasama ako sa may auto-friend zone features, ito ang mga taong sila na mismo ang nagpi-friend zone sa sarili nila.
Ah basta, naniniwala ako na if gusto ka, he would make ways to let you know it, kung dense at di makita sa gestures then sabihin....or mag-wait na lang sa "it takes a man and a woman and that magic moment."
No comments:
Post a Comment