Wanted to blog about my experiences with gwapos this week =)
The first one....
Sakay ako ng jeep papasok ng office nung Tuesday. Malapit sa water district ng LB, may pumara, since sa unahan ako nakatingin habang namimintana sa jeep...napansin ko kagad na si Kuya na pumara eh GWAPO! Matangkad, maayos ang pananamit, bagay lahat sa kanya...gwapo ang total package ni Kuya. Kaya naman ng sumakay sya eh inihatid ko na sya ng tingin sa kanyang upuan na mabuti na lang hindi sa tapat ko..slightly tapat lang..may enough distance not to notice that I'm staring (staring talaga!). Then nagbayad si Kuya....AYUN! napangiti ako kasi si Kuya parang may bahid....inalis ko ang aking stare..mukhang laglag ako dine eh. Inisip ko naman, baka naman judgmental lang ako. Sige silip silip lang kay Kuya pag may time. Then sa Crossing, nakatigil si jeep kasi hindi pa namin turn na mag-GO. May sumakay...friend ni Kuya na girl, ayun na, na-confirm ang aking hinala. Tawagan nila nung sumakay..."GIRL"! Si Kuya, ka-gwapo eh ATE pala. At akalain mo yun, kasama ko syang bumababa sa may tapat ng South at kasabay ko ding naglakad papuntang OU...mukhang taga-OU si Kuya na Ate. Sana marunong syang magkulot para pwede pa din sya =).
The next encounter...pwede ang equation na ito GWAPO = ENGOT AKO!!!
Meron akong bagong crush sa IRRI, pero hindi sya super crush..kasi nakakalimutan kong crush ko sya, naaalala ko lang pag nakikita ko sya at yun ma-re-remind akong "oo nga pala, crush ko sya."
Pabalik na ako sa Soil's room kung saan ako naglulungga lately. Solo ko ang room, sa may corner ng zerox, nakita kong makakasalubong ko si crush pero pwede din namang makaliko na sya bago pa ako umabot sa spot na pwede kaming magkasalubong kaya naman...kalma lang ako. Then pagpasok ko ng Soil's room...may nag "Hey" lingon ako at nakangiti na ako kasi alam ko naman ang boses nya. Nagulat lang ako bakit sya pa-hey hey hey eh wala naman akong posibleng business sa kanya. Nakadungaw sya sa pinto, "Hayz! ang GWAPO!!!!" at super ngiti...anobe!?
Crush: Hey .....................................................................
Ako: nakangiti lang kasi kung pano ko sinulat yung sinabi nya eh ganyan talaga ang nakuha ko (walang sense di ba? kasi wala man lang akong naintindihan)
umayos sya ng tayo, so full view na sya, di na lang nakadungaw...malamang inulit nya yung statement kasi nga naman kakalingon ko lang eh tanong kagad....
Crush: I was ......... if you are ....................... soil ..............................
Ako: konti na lang ang ngiti (kasi di ko sure if inayos nya ba ang tanong para maintindihan ko or same question pero di ko pa din na-gets)
Crush: tanong ulit sya, may nag-stand out na word "PENETROMETER"
Ako: (habang looking LOST) NO????? (yun lang ang nasabi ko, after ng mahabang dead air) Gio is the one using that.
Crush: Ah, OK I'll go talk to Gio then.
Ako: (Kahit narinig ko na yung statement nya) you want me to ask him?
Crush: No, I'll go there now.
At ng mawala na sya saking paningin...napa-toink ako saking ulo....ENGOT moment lang =(
Then after lunch..nakita ko si Gio, I told him the bloopers with crush....at natawa si Gio kasi nag-usap nga daw sila pero hindi naman penetrometer ang tinanong nya. Hahaha wala pala talaga akong naintindihan ni katiting sa sinabi ni crush. Hayz! Engot to the max lang. At paglabas ko ng room ni Gio, ayun kasalubong ko na naman si crush, napa-wave to the max na lang ako baka kasi usapin na naman ako eh wala na naman syang makuha saking maganda....at baka hindi na talaga ako maka-recover. Siguro sabi ni crush, ano ba naman ang babaeng ito..hindi siguro nakakaintindi ng English =( =P
Yon! Ang gwapo kasi....
No comments:
Post a Comment