Face you fears, yan ang sinasabi
ko sa sarili ko pag natatakot akong gawin ang isang bagay, bukod kasi sa
kailangan na eh face your fears nga eh kaya sige….luwas ka na to get NBI
clearance.
Maagang nagsimula ang araw ko,
nagpagising ako kay Mamsie ng 4AM pero papetiks pa sa pagbangon kaya inabot na
din ng 5AM bago nakarating sa Bagong Kalsada. Akalain mo yun 5AM palang
nakatayo na sa bus…ampalad palad ko talaga na ako eh 6AM patumpik-tumpik pa.
Nakatayo ako buong byahe, habang yung katapat kong mga naka-upo eh humihilik na
sa pagtulog sa byahe, ako eh antok na antok pero di makatulog kasi nakatayo
nga. Si Kuya na katabi ko sa pagtayo sa may likuran, mukhang nililibang ang
sarili sa pag-awit, nag-concert si Kuya…keri lang naman kasi paminsa-minsan ko
lang sya napapansin na kumakanta. Kanina lang madilim pa…ngayon maliwanag na,
andami ng sasakyan sa lansangan kaya traffic na…maya maya pa Taft na…bababaan
na ako.
Sakay ako ng jeep na may
karatulang kaydami at kasama dun ang NBI, pero di ko tanda san yun, bahala na
si Batman…makikita ko naman sya…alerta lang, tiwala lang hahaha. Slightly
traffic na din sa area na dinadaanan ng jeep….UN Avenue, baba ako kasi nakita
ko na ang “National Bureau of Investigation” at may malaking karatula don na
may arrow papuntang kuhanan ng NBI clearance kaya I just followed the sign.
Accomplishment ko na ang makarating dun, I’m so proud of me hehe. Mabilisang
lakad ako, parang paluwas pa din kahit nakaluwas na….at yun sa di kalayuan eh
nakita ko na ang pinapakita sa TV na pila ng sangkatauhan…..pero bago ako
pumila, sinipat ko muna yung list ng resume na ang kuhanan, like yung mga nasa
Robinson’s Mall…naisip ko pa nga sa mall na lang kaya ako pumunta……na-overwhelm
kasi ako sa dami ng tao. Hiwalay ang lalaki at babae sa pila kaya nilakad ko pa
ang ilang dipang pila ng tao (di ko nabilang =P basta mahaba). Tapos ako ang
last ng isang blink lang, maya maya andami na sa likuran ko….plano kong matapos
ang isang book habang nakapila, pero hindi ako nakasimula kasi nakihuntahan ang
katabi ko sa pila…alone din silang dalawa hahaha…tatlo kaming alone kaya kami
ang naging barkada sa pila. Tibo yung katabi ko, yung katabi naman ni “that’s my
tomboy” eh si Ate na sobrang pula ng labi gawa ng lipistik (=P nag-observe
lang!). Si Ate with red lips ang tagapunta sa malapit sa gate then she will
report to us ang kaganapan don, sya din ang nagsabing mag-strategize na kaming dito
lang kami sa malapit pagkakuha namin ng form…aha, ang pila na ito eh kuhanan
lang ng form (kako baga nama’y i-distribute na ang form habang nasa pila ang
mga tao, pwede naming get 1 and pass, but NO). Dito ko lang nakitang mas madami
ang lalaki kesa sa babae, mas mahaba ang pila nung mga kalalakihan….mabilis
naman ang usad ng pila. Eto na, batch na namin ang pumapasok sa loob ng gate…pakita
daw namin ang ID bilin nung mamang naka-megaphone….Pasok kami, may slight pila
then pagbigay ng form samin, we were instructed to go back ng 1PM, HUWAT???? It’s
just 8:13AM and we will go back at 1PM pa….HUWAT???? talaga!!!!…mamasyal daw
muna kami….yung kasama namin “that’s my tomboy” eh may pasok pa daw ng 12NN
kaya di na sya babalik, then we help her asked if pwede yung form for bukas or
if pwede yun sa mall na kuhanan…pwede daw kaya yun bawas na ang triplets =P
pero since matagal ang waiting time, paglabas naming tatlo sa gate..kanya kanya
na kaming buhay….
Naisip kong mag-Divisoria muna
then balik na lang ng 1PM but then narealize ko, anong sistema pag naka-fill up
ka ng form? Kaya nag-usisa ako sa mga may forms na, nakapila na sila….hindi din
nila alam ang mangyayari pero sila eh sinabihang bumalik ng 12 naman. Tumambay
muna ako sa pilahan at was trying to fill up my form ng chikahin ako ng nasa
unahan ko sa pila…Anong oras pa daw ako don, taga-saan daw ako at ng malaman
nyang Laguna, sya din daw Laguna, sa Cabuyao daw sya…sabi ko ako naman eh
Calamba then she kwento na about mas mabilis daw sa Calamba then I told her na galing
na nga ako dun at dito nga sa main ako pinapunta. Kala nya kailangan ko ang
clearance papuntang abroad, sya kasi dun nya gagamitin…ito ang kwento nya….(pero
di ko na-ask ang name nya =P)
“Isa syang DH sa Saudi, two years
na sya dun, umuwi for Pasko at now eh nagpapa-taas ng sweldo sa dati nyang amo
or mag-try syang mag-Dubai or Hongkong pero if taasan daw ng amo nya sa Saudi
ang sweldo nya eh di dun ulit sya kasi kilala na nya at gamay na nya dun. Sabi
nya all-around sya, laba, linis, luto at alaga ng bata… sa kontrata meron daw
silang day off pero sa totoong buhay wala namang day off. Wala din syang
pasyalan naman don kaya ok na din sa kanya. Sa two years daw nya dun, bahay ng
amo at airport lang ang narating nya.”
Nung nag-stop na syang magkwento
at narealize kong di ako makakapag-concentrate sa pag-fill up ng form ko at
gusto ko ding mag-breakfast, nagpaalam muna ako sa kanya….Babalikan ko sana ang
McDo sa may main road kaso nakita ko ang KFC kaya dun na lang ako..mas malapit
para pwede ko pang usisain ang susunod kong step…I have a feeling na wala
kasing saysay na papabalikin kami ng 1PM tapos wala man lang number or anything
sa form, so something’s wrong, I mean anong assurance na pagbalik ko at
pagpakita ng form eh moving on na ako…..anyways, breakfast muna.
Sa KFC, walang bakanteng table na
maliit lang kaya sa long table ako, pumwesto ako sa gilid, kasi kung di ako
babalik kagad sa pila eh balak kong tumambay don at magbasa ng book pagkatapos
kong mag-fill up ng form. Di pa ako nagsisimulang kumain, may tumapat sakin na
pretty girl. Tuloy lang naman ako sa pagtimpla ng kape then I look and smile at
her. Tapos nung nag-start na akong kumain, ni-ask nya ako
Pretty girl (PG): galing din po
kayong NBI?
Ako na pretty din (ANPD): OO,
pero nakakuha palang akong form. Ikaw?
PG (parang patay gutom lang =P): Tapos
na po ako, iniintay ko na lang si Papa (as in Tatay nya) kasi mas mahaba ang
pila nila kaya nauna po ako sa kanya.
ANPD: HUWOW!!! buti ka pa! Anong
oras pa kayo dito?
PG: Nakapila na kami ng 4:30AM,
kayo po?
Ako (na nga lang): bago mag-8AM
ako andito
PG: San po kayo galing?
Ako: taga-Laguna ako, sa Calamba
PG: anlayo nyo pa po pala, wala
po ba don?
Ako: sa Sta. Rosa, kaso mas ok daw
na dito na sa main
PG: Sabagay, oo nga po, kasi kami
eh nanggaling na din sa Las Piñas, wala kaming nakuha kaya po dito kami
pumunta, akala nga namin mahaba ang byahe, mga 1 hour lang naman po andito na
kami.
Ako: Mahaba na din ang pila
kaninang madaling araw?
PG: Opo, yung iba kasi kagabi pa
andito..sa mall din daw po dapat dun ka na matulog para kinabukasan na kuhanan.
Ako: Naku, anong oras kaya ako
matatapos eh 1PM pa daw ako bumalik tapos wala mamang pila pa sa may form na.
PG: mabilis naman po ng mag-move
pag nasa loob na kayo, organized naman po sila..pero Ate bumalik ka na dun sa pilahan
kahit wala pang 1PM.
Ako: Ah sige, salamat ha!
Then nag-fill up ako ng form, sya
naman busy sa cellphone then maya maya umalis sya sa upuan…kala ko umalis na
sya…maya maya pagbalik may dalang water for the both of us…hehe answeet! Nag-thank
you ako siempre.
Pagkatapos kong mag-fill up,
nagpaalam na ako sa kanya kasi babalik na akong pilahan at nag-thank you ulit ako
sa pagbigay nya ng water…Weewee lang ako then ayos ng itsura, at yun na ready
to pila again.
Hanap ako ng mga taong meron ng form, at sa kanila ako
naki-tambay, di sila kumikilos, I’m thinking ano kayang gagawin ng mga taong
may form…feeling ko talaga kasi dapat makapasok na kami…then was about to go sa
may gate ang ask the manong na nagpapasok on what to do? Pero bago pa ako
makapag-ask eh nagulat ako na yung pila ngayon na kumukuha ng forms eh hindi na
nila pinapalabas after kumuha ng form..deretso na sila sa loob, kaya naman
magrereklamo na sana ako ng may nauna nang nagreklamo for me and the likes of
me….Bakit po sila deretso na sa loob, bakit kami kanina pagkakuha ng form
pinalabas at sinabihang bumalik ng 12? Sagot ni Manong na may megaphone: Ah sandali
ha, sige pila lang kayong may mga form jan at isusunod na namin kayo.
Nakipila ako sa slightly unahan
ng magulong pila ng mga may forms na….then may isang group ng girls na sumugod
sa may gate at sinabing may from na sila dun sa isang Mama na malapit sa gate na-naka-white
barong (iba pa sya dun sa Manong na may megaphone) pagkasabi nya na sige gawa
kayo ng pila jan, alerta ako kaya nakisunod ako sa pila nila…reklamo yung isa
pang pila na magulo na pinagawa nung manong na may megaphone…deadma naman ang
mga mas malapit sa gate then pinapasok na kami kasi mas maayos ang pila namin.
Tinuro kami sa pila ng mga babae...Step 1 dapat ito sa natural na flow ng NBI
clearance, pagkakuha ng form, dito ang pila na may upuan at pag-fill up ng
forms. Since natapos ko na yun, hindi na ako kumahog. Para kaming gumagraduate
kasi iikutan mo yung upuan na parang Kennon road ng pa-Baguio..tinutugtugan ko
na nga ang sarili ko ng pang-graduation march. Then natapos ang pagkilos kaya
naka-upo kami…pero saglit lang yun then move na ulit…mas mabilis ang movement
ng mga girls…kaya naman nung konti na kami sa pilahan eh sigawan yung mga
lalaki ng “Oh kami naman”.
Nakarating kami sa loob ng main
hall, kung saan nagsisimula ang Step 2, which is the checking of data entry sa
form. Andaming tao, pero maayos ang pila…naka-upo ang lahat ng babae, ang mga
lalaki, nakatayo habang pumipila. Then may entertainment showcase dito, may
magiting na naka-barong na nag-a-announce ng what to do at what to do next…sabi
din nya na if walang hit eh makukuha din today ang clearance. Ni-explain din
nya ang hit eh meron silang nakitang kapangalan mo kaya lalagyan nila ang likod
ng resibo mo ng date, yun ang date kung kelan ka babalik. 115 daw ang bayad,
maghanda na din daw ng barya para mabilis. Then he announce na if buntis,
senior citizen, may kapansanan…hindi na kailangang pumila, pumunta na dun sa
kanya at hindi sila pinapapila. At may promo of the day sila, kung sino daw ang
may birthday sa araw na ‘to eh hindi na din papapilahin kaya pumunta na sa
kanya..may isa sa pila namin na may birthday….kaya naman habang lumapalit sya
dun sa counter ni Mamang naka-barong kinakantahan namin sya ng happy birthday
to you at niloloko sya nung Mama na magpapakain kasi sya sa lahat kaya may
promo sa kanya. Tanong ng iba after nung birthday promo, ano pa daw ang meron? Or
may iba pa bang promo? Habang nag-aabang kami, may music na masaya si Manong in
Barong kaya ok naman ang waiting time. Wala na naman akong sense of
time,napansin ko lang na lunch time na kasi nagsisibilihan na ang mga kasama ko
sa pila ng food nila, sa portion daw na ‘to ng pilahan, pwedeng kumain, sa loob
daw kasi dahil aircon at may mga computers, hindi na daw pwede…good thing “no
lunch break policy” ang NBI kaya go lang ng go kahit lunch. Ako naman eh busog
pa from may late breakfast kaya oks lang ako. Hindi ko na naman nabasa ang book
ko kasi may katabi na naman akong machika, pero audience lang ako this time,
sinasama lang nila ako sa kwentuhan by looking at smiling at parinig ng kwento nila pero di naman ako umiimik at di
din naman nila ako tinatanong (feeling ko kasi now, ma-di-drain na ako, pa-low
bat na), yung isang girl naka-tudong she’s from Cotabato, OFW sa Saudi (Saudi
ulit) mukha pa syang teenager and yet Nanay na sya, yung kausap naman nya
lumaki na dito sa Luzon pero taga Maguindano ang Tatay nya, for employment
locally naman ang clearance na kailangan nya. Kwentuhan yung nasa two sides ko
then yung nasa likod ko at naririnig ko sila…para silang mga drama sa radio
station….Kanikanyang kwento. Mabilis naman ang movement kaya after ilang upo,
tayo at lakad eh eto na ako ngayon sa Step 2, checking ito ng forms na ni-fill
upan namin, ang mga taga-check siempre pag matanda na, mabagal yung usad ng
pila kasi mas mabilis yung mga mas batang nagchecheck kaya dito iba na naman
ang mga kasabayan ko sa pilahan for payment, Step 3. Dahil lunch break may mga
teller na nag-closed, like sa lalaki one teller lang ang andon, sila pa naman
ang pinakamarami…kawawa naman…sa mga babae eh siguro may four na teller….andami,
ang haba ng pila, nakatayo kami this time. Naiinis na ako dito nikukwestiyon ko
na ang “no lunch break policy”…hindi naman ito no lunch break talaga, kasi
nag-close na nga yung iba, dapat pag no lunch break policy merong reliever dun
sa mga nag-break para hindi nababago ang service kahit pa nagla-lunch sila,
hindi ba dapat ganun yun, mga attorney? Wala na din akong time mag-declare dito,
sobra na akong low bat at naiinis sa system…naaawa ako lalo na’t nalaman kong
ang renewal pala ng NBI clearance para sa mga iba eh 1-2 years….samantalang ako
eh nung 1995 pa yung luma ko, now lang ang renewal….grabe! nag-a-ask ng ganito,
nagpapabayad naman pero wala man lang inisip na paalwanin. Nakakalungkot lang! Isa pang frustrating na hindi ko na din
na-reactan eh nung nag-open yung isang teller, hindi man lang niya sinimulan
dun sa tamang pila, basta na lang nagsabi sya na open na sya at kung sino yung
andun sa pila next to her, hinarap lang sya at yun na…so ang suma total, nauna
pa samin yung nahuli samin. Madami namang nagreklamo na kaya kayo na lang
manita, at saka wala namang ginagawa ang mga opisyales, noted lang ang reklamo
kaya sige…keber ko!
Pagkabayad ko, takbo na ako sa
another pilahan, for the last stretch of my NBI battle….the Step 4 data
encoding, ito na ang data encoding at biometrics. Ni-set ko ng uuwi lang ako
after kong matapos dito at di na ako gagala kahit pa maaga akong matapos,
feeling ko kasi pagod na pagod na ako. Hindi na ako nae-entertain ng mga
kwentuhan at kahit chikahin ako eh isang tanong, isang sagot lang ako tho may
isang katabi ko na I tried to be warm pa din sa pagsagot….
Katabi: Mag-a-abroad din ikaw?
Ako: iling lang
Katabi: Eh para san po ang
clearance nyo?
Ako: sa trabaho ko dito, ikaw?
Katabi: sa Saudi
Ako: first time mo dun? Mukha pa
kasi syang Nene kaya ni-assume kong ngayon lang sya mag-wo-work
Katabi: Oo
Ako: Kayong lahat, meron kasi
syang kasamang tatlo pa
Katabi: Ah ako lang, hindi ko
sila kasama, yung mga kasama ko andun na sa baba, tapos na, hinintay na lang
ako
Ako: Ah
After ng usap namin, napaiyak ako…at
nararamdaman kong kung hindi ko pipigilan, as in iiyak talaga ako nang derederetso…hagilap
ko na nga ang bimpo ko sa bag. Nalulungkot ako for them…I’m actually saying…they
are leaving the comforts of their home…then natawa ako sa reasoning ko kasi
sabi ko wala naman talagang comforts kasi =P At alam kong umiiyak ang puso ko,
puro OFW ang mga nakadaupang palad ko today at nalulungkot ako for them, wala
naman silang kasiguraduhan ng maayos na buhay (sa Saudi pa yun, ibang iba ang
culture) pero susuungin nila at dito palang sa sarili nilang Bayan,
pinapahirapan na sila. Nakakaloka….I’m actually saying in my mind kanina “I
wish I’m not a Filipino” or “I wish I’m rich.” Napu-frustrate ako! Naubusan ako
ng positivity! At kahit na “no hits” ako at nakuha ko na ang clearance ko ng
3PM at ready na to go home…hindi pa din ako OK. Na-down ako, kasi antok na,
gutom na, kanina pa na-wee-wee-wee at yun pa ang mga nakakwentuhan. CR ako
after kong maiayos ang gamit ko, kaso sira ang CR sa 2nd floor kaya
pila na naman ako sa baba…para mag-CR kaya yun pinalitan ko na ang name ng NBI,
NPA na sila “National Pilahan Administration. Pagka-exit ko ng NBI compound, I
felt light, OK na ako…kaya nung makita ko ang Pancake House…naisip ko kagad ang
lasa ng pancakes….yummy, treat ko sa sarili ko for being patient! Then nag-walk
ako along Taft, magpicture-picture sana ako ng mga old buildings or any
interesting things na makita ko kaso naalala ko baka manakawan pa akong
cellphone kaya walk na lang….At pagdating ko sa terminal ng DLTB…chicken na ang
pila, kapiraso lang, wala na bang iba pang sasakay…sige na papilahin na lahat,
ang konti naman nitong pila….hahaha. At dahil nakaupo ako ng komportable,
pagka-andar ni Manong driver, tulog na ako, gumising lang for Manong kunduktor
then tulog na until SM Calamba. At sinilip ko ang dalawang nakatayo, hahaha
yung Mama na kasama kong nakatayo kaninang umaga sa bus na nag-concert eh ayun
ulit, nakatayo pa din kahit sa paguwi…Thank God for today! Your lessons for me
today, I may not like it but thank you for the grace!
Ako
Affected as in =(
2 comments:
Huwaw. So bongga te! @_@ Andami lang kumukuha ng NBI clearance ngayon, pati sa FB newsfeed. @_@
Sinabi mo Mari! Pero sana lang din maging maayos ang lahat ng system ng government..sana dumating tayo sa smooth na flow...
Post a Comment