Nung una, ipinaglalaban ko lang na mabakunahan ang aking mga senior citizens at mga mahal sa buhay with comorbidity. Salamat sa Diyos at nabakunahan naman sila, si Nanay at Tatay, Baby at Panet, magkakasabay silang nabakunahan. Then after awhile si Barok naman tapos sumunod na din sila She, Kuya Utoy at Kuya Gab, galing pa one shot lang silang 3 kaya tapos kagad. Then si Beng, nabakunahan na din. Sila dito sa looban eh puro sinovac ang naturok thru SM Calamba-LGU vaccination, si Beng naman sa DepEd sa Paseo Uno. Sila naman sa taas eh Moderna kay Barok thru Boss niya sa company sa Mandaluyong sya nabakunahan, yung mag-iina naman thru LB-LGU at Janssen. So, kami na lang ni Efren ang natira sa adults. Since wala akong kargada eh nasa normal category ako, sa the rest of the citizens, hindi priority both sa IRRI at sa LGU-Calamba at dahil jan eh I'm OK with the waiting. But alam ko at the back of my mind eh mas mabilis kung thru IRRI kasi mas konti ang babakunahan than sa LGU, so keri lang mag-hintay. Kaso, nung tumataas na ang cases hindi lang sa Manila, pati outside Manila eh nahaharang lagi ang moderna na order ng IRRI, naging priority ang government muna bago ang private companies. Inabot ng August ang dapat sana'y start ng July na bakunahan sa IRRI. Hindi pa din umayos ang system sa Calamba. Andami ko ng nakikitang nababakunahan, at taga-heart na lang ako palagi. OK pa din naman kasi di naman ako talaga lumalabas at wala din akong balak maki-mingle para super safe. Habang naghihintay ng chance ko sa vaccine eh madami na siempre akong narinig na kwento ng mga kaibigan at kakilalang nabakunahan, niramdam ko na ang lahat ng dapat ramdamin. Prepared na prepared na ako for the vaccine, palagay kong alam ko na ang mga parts na sasakit sa'kin thru kwento kasi parang nararanasan ko na sya. Napapanaginipan ko na sya actually. Tapos excited din akong magpa-bakuna kasi gusto kong magpa-picture sa photo wall ng bakunahan, isa talaga kasi akong true blooded #GGSS. Pero naghihintay lang din ako ng bakunahan sa IRRI, wala akong lista sa ibang bakunahan, at until nga nalaman kong pwede ng magka-access sa ibang lugar at mdami na akong kakilala na nabakunahan through ganun, although wala akong sasakyan kaya di din pwedeng malayo. Pero dahil tumataas na naman ang cases at mas madali ng mahawa, ang mga kapatid kong nabakunahan na ay naghikayat na na magpabakuna kami ni Efren sa kahit saan pwede. So, dahil pwede na kaming ihatid ni Barok, nag-register na ako sa LB, since maayos naman ang system dun. Nung una, same address lang gamit ko, tho Calamba ako eh nag-try pa din since sa IRRI naman ako nagwowork, baka ba sakaling ma-consider. Antagal, walang paramdam though may QR code na ako for that registration. Then, try kong baguhin ang address, ginamit ko ang address nina Nanay She sa Anos, wala pa ding luck kasi A5 ang nilalagay ko. Try kong palitan with asthma and high blood (ganun naman ako, paminsan-minsan lang naman), wala pa din. Tapos, itong mga berks sa Petiks, nilakad sila ni Leo for bakuna sa SM Sucat, may address na binigay sa kanila as housemates silang lahat at may contact na taga-doon sa bakunahan, Moderna ang vaccine, napag-kwentuhan lang sya isang inuman at kinabukasan na nga sila babakunahan. Pagdating ng kinabukasan, dahil may nag-back-out sa quota eh ni-chat ako ni Leo para sumabay na kina EJ at Icoy, kaya lang plakda ako that day eh, tumoma kagabi at puyat kaya walang kwenta kinabukasan. Ayaw kong gumalaw, maligo at ayaw ko din ng minamadali, on the way na kasi si EJ nung nag-chat, napaka-inconvenient ba. So, ayun, di ako nakasama at dahil alam nyang willing na akong magpabakuna sa ganun eh nag-alok sila ng mga sites na pwede akong mag-reg. Or sa susunod na may available ulit sa SM Sucat eh maging yaya naman ako ni Icoy para makasama ako. Sa mga sites na binigay kinarir ko ang pag-register for vaccine. Sa Nayong Pilipino na open for all eh naging taga Barangay BF Homes ako. Nag-offer din si Yuji na pwede akong ihatid at samahan sa Sta. Rosa as walk-in, kinda nahiya naman ako kaya nung nag-send si Julie ng registration site at pinagamit nya ang address nila sa Sta. Rosa eh sinabi ko kay Efren din para is Barok na lang maghatid sa'min. Nagpasalamat naman ako kay Julie at Yuji, dito ako naman ay mayordoma nina Julie or pwede din daw akong ka-live in ni Yuji. Habang abala ako sa pag-reg eh nag-offer din si hipag na isama kami ni Efren sa pwedeng inominate nya sa MSI naman, dito naman ang claim ko eh utility personnel naman kami. So, quota na ako sa kaka-reg, bahala na si Papa G kung saan pwede. Waiting game naman.
Lumipas ang isang Linggo, ayun, may nag-text, si Nayong Pilipino, naka-register na daw ako for vaccine pero mag-wait for schedule. Tapos nagikot din si Mommy Vicky at maghanda na daw kasi naka-schedule ang Masili sa SM Calamba, kami nina Efren, Mitch at Rachelle. Nagsabi na din ako kay Barok na ihatid kami at nagsabi na din ako sa mga kasama sa work kasi may meeting kami sa Friday, told them na bakunahan day ko yun. Aba akalain mo, when it rains, it pours, kasi ba naman nag-text din ang Principal ng MSI at naka-schedule daw kami sa LB Bayan nitong 15 September 2021, as in Wednesday, mauuna pa sa SM Calamba. Kaya naman ni-grab na namin ni Efren kasi mas maayos pa din talaga sa LB than sa Calamba. So ayun, aligaga sa pagayos kasi need naming pirmahan ang aming appointment sa MSI na passess namin for this bakuna at mabuti na lang sa hapon ang aming schedule at nakapag-paalam pa ako sa mga ka-officemates at kay Boss at pwede din ang aming driver na si Barok.
Eto na nga, so ang natuloy ay sa MSI, natalo nya ang yaya sa SM Sucat, mayordoma sa Sta. Rosa at yung normal na mamayan sa SM Calamba. Punta na kami dun, kami ay mga guro at ang aming appointment ay nagsimula nitong September 1 at magtatapos sa June 30 2022. Nakalusot naman kami sa endorsement letter namin. Bale sa encoding dahil nag-reg na ako sa LB site eh ayun, back to normal Mary Ann identity ako at taga-IRRI na ulit. I'm so excited na hindi ko na napansin kung may mga little keme pero parang wala naman sa'king part, not like kay Efren, oh well, hindi naman kasi nya nicheck ang appointment nya, slightly mahina talaga kasi si bayaw sa diskarte. Hindi din ako nainip sa procedure at hindi ko din nainda ang turok. So, ayun na, dahil nauna ako kay Efren eh inintay ko sya kasi sya ang gagawin kong photographer sa'king 1st shot photo sa bakuna wall. Sakto naman at di na ganun kadami ang nagpapa-picture, kaya lang mahiyain si bayaw, kaya di ako naka-pose ng marami. Panira pa ang nalaglag na bulak kaya di ganun kahalata ang aking bakuna shot =( But, nonetheless, I'm happy with the bakuna, #nakakahappy sya. At sa kaexcitedan or talaga lang wala namang talagang ganung effect ang bakuna na Sinopharm eh awa ng Diyos, wala naman akong ibang naramdaman except masakit at ngalay na braso which is normal naman sa naturukan ng vaccine. Maraming salamat din po Papa G kasi timing ang vaccine kasi nga nagkaroon na ng covid dito sa'ming looban. Totoo nga na layer of protection sya.
Eto nga pala ang #GGSS 1st dose shot ko =)
Sana hindi na mahiyain at sana onti ulit ang tao sa 2nd dose ko, para mas maka-emote sa picture with vax card =) Salamat PO!

No comments:
Post a Comment