Wednesday, July 14, 2010

Basyang

Unang malakas na bagyo after ng mahabang baha last year....
Nagising ako sa lakas ng hangin at sa mabilisang kilos ng Nanay at Tatay ko. Paru't parito si Mader kasi sya ang taga-check ng paligid dahil may trangkaso si Fader. Ako naman eh naghanap ng kandila para ma-check ko din ang aking kwarto na pag ganyang malakas ang ulan ay umiiyak ang pader kaya bumabaha sa kwarto ko. Then, true enough...slightly baha na nga....mabuti na lang bago ako matulog eh itinaas at inayos ko na ang mga gamit na most likely maapektuhan ng weeping wall ko. Somehow, natutunan ko nang mapaghandaan ang bagyo. Tapos naka-receive ako ng text mula kay Pogs at nung nagta-type na ako ng reply sa kanya..naririnig ko na lalong lumalakas ang hugong ng hangin at ang tunog ng yero ng kapitbahay. Siguro nagka-phobia na ako sa bagyo, kasi nakaramdam ako ng takot. Dati kaya ko lang tulugan ang bagyo as in pag may kumustahan sa church after ng bagyo my answer would be "I can sleep in the midst of a storm". Pero ngayon, di na ako makatulog, I'm praying to God "Lord command the storm to calm down". Tapos wala na ang feeling na kagaya dati pag ganyang bumabagyo.. I would have that attitude as written in Psalm "Be still and know that I am God". Now, wala akong inner peace, there's chaos inside, I'm not still...perhaps due to circumstances last year nabawasan ang yabang ko, now I cannot be still. Not that I'm questioning God (I really hope not) but maybe because nakakawala na lang talaga ng kompiyansa ang madaming bagay lately. Napaisip tuloy ako, more than Basyang pala ang reflection ko....it's not just facing typhoon Basyang, but facing my life lately....hindi na ako adventurous, meron na akong duwag na portion....which I guess is good coz that means I would have to rely 101% to my Creator, the Giver of my life. Sige Lord "I would be still coz I know YOU are my GOD!"

Ako, 14 July 2010

2 comments:

Marya said...

from my texter, now e-mailer =)
Hey there
6:51 PM Na-homesick ako sa blog mo. I know it's insensitive of me to relate typhoon to home habang nagdurusa yung mga nasalanta. But somehow, naisip ko lang yung mga rainy days when I'm in the comfort and warmth of my home in Pinas. BTW, "Be still and know that He is God" is my inspirational phrase everytime I'm in a tight situation.

carina said...

paborito ko rin yan, "be still and know that i am God". nice reflection.