Thursday, July 15, 2010

Hay buhay!

Madalas ang epekto sakin ng makakarinig or malalamang may namatay akong kakilala bukod sa nalulungkot, napapaisip akong "Hay, napakabilis lang ng buhay!" Ngayon, nalulungkot ako for Tito Max's death, idagdag pa kung paano syang namatay....then just this very minute binalita ni Mamajo na yung dati din naming nakakasamang mag-badminton eh namatay na din. Naiimagine ko pa ang itsura nya habang naguusap kami ni Mamajo. Napaisip tuloy ako...how precious life really is, kaya dapat i-maximize sya. Matagal ko nang na-decide na ang buhay ko eh about relationships, mag-invest ako ng buhay sa mga tao sa paligid ko. Di bale nang di ako mayaman (although gusto ko ding yumaman para mag-increase ang aking capacity to give), di bale nang di ako matalino (basta malawak ang pang-unawa), pero gusto kong malaki ang puso ko for the people around me. I wanted to be God's vessel of love...yung God's love in the flesh...when the Lord said and the word became flesh, ganun..I am God's love in action =) ganun! Oh well di pa naman ako ganun fully but by His grace I am unti-unti becoming like that. Isa pang epekto sakin eh naliliitan ako sa mga bagay bagay na pinoproblema ko pag ganyan ang mga naririnig kong sitwasyon, lalo ko tuloy gustong ibuhos ang kung anu man ang napabigay sakin...gaya ng makapagpanalangin ng mga taong may sakit...kinatuwa ko nun nung nai-pag-pray ko si Tita Digna, nga lang baka mas gusto ng Lord na umuwi na sya kaya ayun, namatay na sya. Pag may nakakasakay akong mapula ang polish sa paa at bagay sa kanya, naalala ko si Ate Fe...ilan lang sila sa mga taong kilala ko na umuwi na sa piling ni God at balang araw makikita ko sila pag time ko na ding umuwi. Gusto kong maging encourager ng mga taong madaming ambisyon sa buhay, wala kasi akong personal ambition na kagaya nun, kaya, kung matupad nila ang mga pangarap nila at nag-encourage ako..part na din ako ng pangarap na yun, natupad na din ang sakin....pwede sigurong yun ang ambisyon ko! Gusto kong maging masaya para sa mga taong nawawalan na nang rason para maging masaya, kagaya na lang ng mga ilang friends na nakausap ko lately...I want my happiness to be infectious at mahawa talaga sila to the max. Isa pa yung rason para makalimutan ko ang personal kong lungkot. Gusto kong maging hopeful kahit na hindi ganun ang totoo kong nararamdaman, para sa iba, para makapag-bigay ng hope. Yan ang munti kong advocacy sa buhay =) sana kahit papano, sa ngayon,  nagiging ganyan ako at sana maging mahaba pa ang buhay ko or enough para matupad ang pangarap kong yan...bago man lang ako bawian ng buhay kong hiram =). Sana din mabuhos ang pagpapala ni God sakin at matutunan kong ibuhos din ito sa iba para sa ikakaluwalhati Niya =)

This is a prayer na rin Lord! Hear it from my heart to Yours...and pour out =)

Ako, 15 July 2010

No comments: