Palitan ito ng linya ni Macky at Ces or si JLC at Angel Locsin sa movie na "Unofficially Yours"
"Tama na."
"Tama na."
"Alin?"
"Stop being so nice. Lalo mo akong pinahihirapan eh."
"Ganito lang naman ako dahil mahal kita."
sana ganyan din ang isasagot sakin kung magtanong ako....
Bagong kakilala, masayang simula, madaming nadi-discover na common, kaya naman nae-enjoy ang bawat pagkikita, bawat paguusap. Sa katagalan, nakakagaanan ng loob, nagiging close. Lumalalim ang usapan, buhay-buhay, nakaraang buhay, masayang chapter ng buhay, mga di makakalimutang parte ng buhay. Sa di kalaunan nagkakakwentuhan na ng mga problema, nagpapalitan ng opinyon, pangarap, mga gustong maabot, marating, maging paglaki hehe. May mga common jokes na or mga sulyap or gawi na alam nyo na both or naiintindihan nyo na ang isa't isa just by being. Suddenly, parang may kakaiba! Parang may kulay ang bawat kilos, may saya ang bawat pagsasama. Nalilito! Pero nag-iba nga kaya or nalito lang ang isa? Naiba lang ang tingin pero wala naman talagang nagbago! Na-conscious na, may expectations na...ayan tuloy may frustrations na. Hay! Hirap naman pag ganito...di ka naman makapagtanong kasi either ma-bloopers ka na nga, magiba pa kayo or takot ka ding harapin kung ano na nga ba talaga?! Di ka din naman makaiwas...kasi paano? bakit? pano kung ikaw lang naman? Timang lang talaga ang damdamin mo! Kaya pa namang ma-resolve, tigilan, pigilan, tantanan! Hayaan na lang. Lilipas din yan, parang gutom lang =)
March, 2012
4 comments:
(background music lang)
I've known you for so long you are a friend of mine...
you tell me about the love you've had, I listened very eagerly..but deep inside you'll never see this feeling of emptiness it makes me feel sad...but then again i'm glad.
Super like!!!! Parang gutom lang yan! Hahahaha. :D Hmmm... This too, shall pass... Mabuti pa ngang di na lang inumpisahan. Sana di na lang nagsalita para walang gulo. :) Hehe. Powerhugs te Mary! Muah!
experience is a brutal teacher, but u (will) learn, oh God you learn.. hahaha.. words cant express how i am so glad u are experiencing this! hehehe keribels mo yan.. remember.. 'wala lang' attitude mwahahaha
"Na-conscious na, may expectations na...ayan tuloy may frustrations na. " -- automatic talaga na pag nag-expect, kasunod frustration pag hindi nameet. :(
Post a Comment