Nung bata pa ako ang tangi ko lang pangarap ay maging MAYBAHAY. Siguro may malaking impluwensya ang Nanay ko kaya ganyan ang pangarap ko. Para kasing yun ang natatanging buhay na alam ko o nakita kong buhay para sa mga babae. Maagang gigising para maghanda ng almusal, ihahatid ang asawa sa tarangkahan kasi papasok sa trabaho (para sa Tatay ko eh hindi opisina, kundi sa dagat, kasi mangangahig sya), maglilinis ng bahay, maglalaba at dahil may malawak kaming bakuran kasama ang magdilig ng halaman at magwalis ng malaking bakuran, kasama pa ang magalaga ng hayop, magluto mula almusal, tanghalian at hapunan at siempre ang asikasuhin kaming mga anak.
Parang kahit maghapong walang tigil sa paggawa ang Nanay ko ramdam ko ang kasiyahan nya, kaya masaya sigurong maging maybahay. Kaya naman mula pagkabata hanggang bago ako mag-kolehiyo ang natatangi kong pangarap ay ang maging isang maybahay, full time housewife ga ang tawag doon?!
Nakakatawa lang, ngayon, hindi ko na mahagilap o di ko na alam kung saang sulok ng pagkatao ko naitago ang pangarap na yan. Naalala ko lang sya ngayon at napaisip ang simple na nga ng pangarap ko, hirap pang tuparin! Buntong hininga!
Ako,
No comments:
Post a Comment