Tuesday, November 25, 2008

Certified soccer player na'ko

Just want to share some kwento about the Alaska cup last Sunday, 16 November 2008.

Bago muna ang lahat I would like to thank May for my studs, Olen for my shin guards, Icoy and Tiny for buying my socks and also the uniform (ang ganda) and Dee for the spare socks. So yun, Saturday night nag-iimpake ako ng dadalhin, excited ako sa lahat ng mangyayari kasi first time kong pupunta sa Alaska cup. Matagal ng sumasali ang IRRI team dito pero di man lang ako nakakapanood nito ever, kasi ang aga nilang umaalis eh pag weekend, long sleep-late gising day ko yun. Ang yabang ko first time mag-Alaska cup, player kagad at eto pa mabibilang palang sa dalari ang mga scrimmage/practice na napuntahan ko sa IRRI field. So di ko alam what to expect, kaya excited ako like a kid na maglalaro sa initan o pupunta sa beach. Pagdating namin sa Alabang Country club sa Ayala village di naman kami mukhang api kasi naka-coaster kami ng IRRI, ang LAKI nga ng FIELD...ang saya parang fiesta, daming tao, parang carnival minus the rides. Tapos ayan na nagbibihisan na sila, nakibihis na din ako (nangongopya lang ako ng ginagawa nila), then attend ng opening program then piktyuran. Paupo-upo pa ako dun at pakain-kain ng baon nina Dee nang magtawag ng warm up si Olen...hehe as in kakasimula ko palang sa pangalawa kong bread. Tapos nag-lead na si Mutya at Dee ng warm up exercises, jog tapos stretching, keep warm daw. While waiting for our game, sabi ni Mutya habang nakatambay kami sa tent namin at naniningin sa mga katabi namin....ang lalaki nila, nakakatakot, sabi ko naman ako sa totoo lang di ko alam kung anong mangyayari at kung anong advantage ng mga sizes nila kaya di ako kinakabahan...not because kaya ko pero kasi wala akong idea talaga, haha...engot lang pala. Tapos simula na ng game, di ako kasama sa unang pinasok, nasabihan na naman kami bago pa mangyari ito na kaming mga bago eh manonood muna then sub kami after. Tapos eto na nakapasok na kaming mga bago, nagkataon sabay sabay kaming naging forward, yung tatlong bago ako, Renna at Rona. Ito yung di ko malilimutang blooper! Eh mag-kick sa center di ba kasi naka-goal ang kalaban (ang tawag ko dito eh jumpball) tapos nakalimutan ko kung saan ako pupwesto eh nasa field na ako ng kalaban at malayo sa center line, tawag tawag ako ng referee at may sinasabi sya na dito muna tayo sa something something yard .. di ko naintindihan. Tapos nakapwesto na ako sa field namin eh tawag na naman nya ako, ako pala ang mag-receive nung sipa ni Reena....hahaha feeling ko tinatawanan na ako nung referee as in toink moment. Tapos ayun, nakapwesto na ako dun sa may malapit kay Reena to receive sinipa ko ang bola pabalik kay Mutya, nag-whistle si ref, ano na naman kaya???? nakaka-3 na sakin ang referee na ito ha! questioning look ako at si Reena...sabi ko kay Reena maybe it's backing (basketball term na naman) tapos pinaulit. Sinipa ko ng konti pa-forward kasi yun ang instruction ni ref....feeling ko this time di na lang yung ref ang natatawa, malamang pati mga kalaban namin. Di ako natingin sa kanila! Feeling ko eh napadaan lang ba ako dun at naka-uniform na din lang naman eh di maglaro na...tapos after takbo takbo...pag may kalaban na malapit sakin at kukuha ng bola aba..kailangang i-pressure (alam ko lang yan kasi nituro ni Mutya sa drills days before the tournament). Tapos ayun paminsang nakita ko ang bola sa direksyon ko at about to sipa eh anak ng tipaklong paa na yung sumunod kaya yun nasipa ko yung paa nung kalaban at napahiyaw syang pagalit...di ko lang nakuha ang exact conyo statement nya. Pretty pa naman yung nasipa ko, nag-sorry naman ako sa kanya....eh kasi naman bola lang yun kanina tapos magic, paa na nya.... Tapos ayun talo kami!

Tapos debriefing, change strategy ang mga coaches....di ako pinasok till 2nd half, sa following game mapalad kami dito, kasi unang naka-goal si Mae, napalundag kaming lahat sa tuwa, tapos ayun di na nasundan at naka-goal din ang kalaban kaya draw. Nakasipa ako ng maganda-ganda dito wala nga lang pinasahan kaya toink pa rin.. tapos dito din sa 2nd game ako nakatikim ng damo, gumulong ako sa field. Excited kasi akong sipain yung bola, malapit na sa guhit eh, sumimplang ako tapos ang tawag ni ref eh hand ball. Sabi ni Kofi certified soccer player na daw ako kasi gumulong na ako sa field.

Tapos yung mga sumunod, maayos na ang aming mga games, sadya nga lang magagaling ang mga kalaban namin....ang mga girlets na girlets kumilos eh nambabalya na din at nakikipaggirian na din sa kalaban...di na din napayag na mahahawi lang. Galing na ding mag-dribol ... wala lang kaming play at puro depensa lang talaga kasi ang lalakas sumipa ng mga kalaban. Sabi naman ni Coach Icoy ok lang daw yun, charge to experience nalang ulit. Kasi naman daw ang mga nakalaban namin eh mga varsity or mga bata pa eh yun na ang game samantalang kami eh sa IRRI lang natuto or natututo. Sabi din ni Muyta, considering na magagaling lalo na ang Alabang grins na last naming nakalaban eh ok daw ang depensa namin kasi di kami natambakan. Well sabagay infairness sa unang game lang kami natambakan 5-0, sakit sa loob siguro nun kung basketball yun....kaso soccer naman at first time ko kaya di pa ako affected.

Tapos ang saya ng mga teammate, mababait silang lahat..Idol si Mutya as in sya ang aming one-woman-team (sya lahat ang natrabaho) at gusto ko yung sinisigawan nya ako sa field kasi may times na parang andami ng kalaban, may binabantayan na ako sa harap may tao pa pala sa likod...sasabihin nya sa'yo yan Mary. Magaling ang goalie namin si Mildred, galing mag-dive =) Kahit mga mayuyumi at girlie na girlie ang mag teammates ko (parang mga teammates ko din sa Basketball) eh astig pag nasa loob ng field. Tama nga si AiL, masaya at mababait ang IRRI soccer team tama nga ding sabihin the best in the world.

Sana mabilis akong matututo at maka-absorb ng mga bagay para sa susunod kong kwento eh di nalang bloopers meron na ding mga exciting moves...the moves ba!!!

Yon!

Ako, 19 November 2008

2 comments:

september_leigh said...

hi there!...kaluka nmn ng blog mong to...anyway..kahit papano nabanggit ang name ko..hahahha...pero sad kasi this year di ako makakasali...may labay pa naman...:p..goodluck sa next alaska cap..i'll be there..makikigulo at magsasite seing narin..buwhahhaha..yun yon!..:p

Unknown said...

te mhur, notify mo ko pag may bago ka ulit na post.. tagal na pala neto pero naaliw ako grabe... habang binabasa ko, para akong nasa alabang. as in gigil na gigil na rin ako ng mga time na yun. super gusto ko na talaga maglaro. pero at least andun pa rin ako kahit papaano. nakita ko yung mga nangyari and masarap alalaahanin through your blog. detailed kasi e. haha. galing mo magkwento. may gift ka sa pagsusulat. the best ka!

malamang after ng alaska cup ichecheck ko ulit tong blog mo. :)