Isang madramang linya mula sa aking malapit na kaibigan “alone in the crowd, like I’m there but I’m not part of the crowd”. Sabi din sa Bible “a man with many companion will come to ruin”. Bakit kaya? Matagal na ding panahon na naging kaibigan ako at nakipagkaibigan ako at patuloy na nakikipag-kaibigan. Sa katagalan nakita ko na kung sino sa mga kaibigan ko ang kinailangan ng proseso bago kami maging magkaibigan sa definition ko ng kaibigan, meron namang mga instant friends, merong hindi lang talaga meant to be friends siguro. Sa dami na din ng natatanggap kong tula o mga bagay bagay patungkol sa mga magkakaibigan, alam mo yun? Yung umiikot na slideshow about being friends or so pag friendship week, di ko alam kung anong month na yun basta, abang kalang may darating dyan sa inbox mo, kung may kaibigan ka. At sino nga bang tao ang walang kaibigan? Pero teka san nga ba papunta ang sinusulat kong ito? Gusto ko lang ilitanya o gawing nasusulat ang mga bagay na alam ko on being a friend and ano-anong degree ng friendship ang meron ako. Gusto ko lang malaman ng kaibigan kong ito na lahat ng tao nagdadaan sa pinagdadaanan nya pero iba iba ang pagtanggap sa bagay bagay, pwedeng pahirapin or pwedeng padaliin. Kaso ako natutunan ko na kasing sa madali palagi, sayang kasi ang effort at saka makikidawdaw ako sa kasabihan ng isa pang kaibigan ang “di bale ng tamad, di naman pagod”. Talaga namang nakakapagod maging people person eh. Ikaw ba naman ang makipag-deal with different people, minsan nga sa sarili ko palang kulang na ang pang-unawa ko, poproblemahin ko pa ba naman ang mga taong gustong makipag-kaibigan sakin? O sya sya..ano na?
Meron akong mga kaibigan na nakalakihan na, mga nakalaro kasama sa kamusmusan. Nakakaliw kasi madami pa din sila, kasi naman di naman ako umalis ng baryo namin. So yung mga nakuha kong mga kalaro, mga naging kaklase ko mula kinder hanggang high school, may ilan pa ngang hanggang college, andyan pa at kaibigan pa din. Pagdating ng college slightly lumawak ang mundo ko kasi di nalang mga kababaryo or kapit-baryo ang mga kaibigan ko, meron ng taga-ibang bayan, like you know Los Baños or Canlubang or Cabuyao. Mas malawak lalo ngayon na nag-trabaho na ako, di nalang bayan, kasama na ibang probinsya or ibang bansa. Mas marami, mas masaya, mas magulo, mas nakakaloka kung kakailanganin mong i-fit ang sarili mo sa kanila. Pero ang natutunan ko, kahit anong korte mo talagang may pagsasaksakan ka sa buhay ng ibang tao kasi yun ang pagkakahulma satin. We are created for one another. At dahil naghahanapan ng pagsasaksakan, kadalasan nagkikiskisan kaya nagkakasakitan pero bahagi yan ng pakikipag-kapwa ang kailangan lang matutunan tumanggap at dapat alam mo ang korte mo para alam mo kung saan ka lulugar na less ang sakit. Sa iba’t ibang aspeto ng buhay mo may mga iba’t ibang tao na pinagbibigyan mo ng parteng yan ng buhay mo. Actually, wala talagang one person na pwedeng maging all that you need friend. Sa bawat pagkakataon may mga taong darating for that specific need at that specific time. Nagiiba-iba ang tao kaya pwedeng bestfriend mo ngayon, iba na bukas, pero sana di naman enemy mo na bukas. At sa pagiiba-iba, ikaw din nagiiba kaya dapat palaging flexible sa changes, kagaya ng mga softwares sa ating modern world, dapat tayo din bilang kaibigan nag-a-upgrade para makasunod sa pagbabago. Tho aaminin kong mas madalas kong gustong balikan ang mga kaibigan ko nung college kasi sila yung kahit saan man kami makarating alam ko walang iwanan at sila yung kilala ko pati mga magulang at mga kamag-anak. Mula college pabalik sa elementary friends..sila yung kilala ang aking pinagmulan at tanggap ka ng buong buo. Mula sa toyo hanggang sa mga good qualities mo. Tho masarap ding damahin ang pagmamahal ng mga kaibigan ko now…I feel so loved by my friends now. Kahit yung iba napilitan lang akong kaibiganin kasi love ako ng mga friends nila or iisang mundo ang ginagalawan…anjan nayan kaya i-friend nalang. Sila yung mga friend na sinasabi kong dumaan ng proseso. Meron namang mga gusto ko sanang makilala at maging matalik na kaibigan pero dina nabigyan ng pagkakataon…pwedeng panahon, pwedeng distansya at pwede ding di kasi nag-effort. Pero meron din namang mga ibang lahi na amazingly kahit sa on-line world lang ang communication eh mga talagang kaibigan. Yun bang alam mo pa rin ang nangyayari sa buhay nila kahit nasa ibang bahagi ng mundo. Yung nangungumusta sa’yo pag may narinig silang balita mula sa Pilipinas. Nag-aalala para sa’yo. Meron pa ngang mga ibang kaibigan na akala mo wala na kayong koniksyon pero pag nagkita kayo para lang itinutuloy kung saan kayo natapos nung huli nyong pagkikita. Meron ding sila yung kakalampagin mo pag kailangan mo ng payo, ng pagalit, pag may mga moments ka na kailangan mo ng sanity..sila ang tatakbuhan mo…sa kahit anong paraan…e-mail, chat, text, usap ng personal. One thing I so love about life is this, the people interaction tho aaminin ko din na ito din ang nakakapagpababa ng energy ko at times. Labas lahat ng emosyon pag friends ang kahalubilo…nakiki-halakhak, nakiki-iyak, nakiki-lungkot. All out ba!
Pero meron akong matalik na kaibigan…natutunan ko na syang tanggapin ng buong-buo (pero dumaan din yan sa proseso), lahat ng toyo, lahat ng kababawan, pati na din ang issues nya sa buhay…sya din lang naman ang kasama ko sa buong buhay ko kaya wala ng magagawa kundi ituring syang matalik kong kaibigan. Sya ang nagpapagalit pag palpak ako, sya din ang napuri pag magaling ako at higit sa lahat sya lang ang nakaka-unawa ng nangyayari sakin. It’s good to be bestfriend with myself, coz from there I can be totally be friends with the outside world. That I guess should be the prerequisite of being a friend. I maybe wrong pero kung di ako nagkakamali eh tama ako!!! May tama ka!!!
Ako, 18 Sep- 10 Dec 2009

2 comments:
I really like my texter.. she's pressuring me to write...hahaha
Ang friendship ko ba ay dumaan rin sa isang proseso? He he! Bakit ang dalang mong mag-blog?
my reply to her:
Haha isa ka nga dun. Kc naman di ba? kaw nga ung my-i-can't-beliv-ur-my-frend frend.
texter ulit =)
Hi. Nice entry mo on friendship. Happy weekend.
Tin =)
Post a Comment