Meron na naman akong kwento ng isang komyutera. Sakay ako ng jeep mula sa South sa gitna ng malakas na ulan. Pagsakay ko nagbibigay ng sukli si Manong driver sa isang groupo na siguro mga 8 o 10 na mga high school students ayun yan sa kanilang itsura at uniporme. Tapos nabanggit ni Manong driver na hindi pa yan sukli ni Apol ha! Tawanan ang mga bata at sabi ng katabi ko “hahaha, alam na, kilala ka na Apol.” Tapos may nagsabing “wag nyo pong kakalimutan si Apol, tatakbo po yan sa susunod na eleksyon.” Then nung malapit na sa riles ng tren sa may San Antonio saka sinuklian ni Manong driver si Apol. Tapos niloloko nung barkadahan si Apol na dapat daw pang isa’t kalahating tao ang siningil ni Manong. Tapos nagtanong si Manong “eh yung 50 pesos san baba?” sagot naman sila “sa Halang po” sabay abot ulit ng sukli at ang sabi naman ng grupo “ayan quits na kasi dapat naman (nakalimutan ko ang name nya) kalahati lang ang bayad”....sabay sabi nila kay Manong na “Ayan yung half po ni Apol na yun!” Ang kukulit nila, pero di naman nakakairitang kakulitan. Sa tuwing may baba sa kanila eh babanggitin nila ang pangalan....Matagal ko kasi silang kasama sa byahe kaya nasubaybayan ko ng konti ang kanilang usapan. Sabi nila yung payatot eh yun daw ang Presidente tapos yung katabi nyang girl na dahil kasunod syang sinuklian eh sya naman ang Vice-President. Kakapasukan palang kasi kaya malamang classroom election ang pinagkakaabalahan nila sa school.
At dahil sa kanila, naalala ko tuloy nung college days ko....mga kwentong jeep din ito, kasama ang tropa katorse...mga college barkada ko.
Tropa katorse ang tawag namin samin or 14-K kasi 14 kaming mga naggagandahang babae at halos lahat samin eh sa Los BaƱos na byahe ang sinasakyan pauwi kasama si Fina na taga-Halang. Nung araw (di naman kalayuan pa yun!) hindi pwede ang malapit lang sa byaheng pa-UP or college, ang pinaka malapit na dapat eh Bagong Kalsada, so si Fina eh madalas nine-negotiate muna namin bago kami sumakay. Madalas namang mapagbigyan palibhasa madami kaming deretso. Mas malimit pa sa madalas since magkakasabay eh extended sa jeepney ride ang umaatikabong kwentuhan. Ewan ba at hindi maubos-ubos ang kwento eh magkakaklase naman kami at magkakasama din pag break time. So ang aming palaging eksena sa jeep eh ingay to the maximum...pwedeng kanya kanyang group or isang buo kaming nagkukwentuhan....parang mga itik sa ingay. Pero pag nasa Halang na, specifically sa tapat ng sabungan.....bigla kaming tatahimik at iintaying namin ang “MAMA PARA PO!” sabay ang tawa or palakpak after....si Fina yun bababa na sya at madalas ang pagpara lang ang contribution nya sa ingay..kaya naman binibigyan talaga namin sya ng moment. Pinaka mayumi samin yang si Fina at madalas na taga-tawa o taga-pakinig lang sya sa buong kwentuhan habang nakasakay kami sa jeep. PARA lang talaga ang tangi naming balato na pagkakataon sa kanya.
Sa dami ng kwnetong jeep namin, meron kaming pinaka-paborito....Mahirap sumukay, ng araw na yun, hindi ko na matandaan kung bakit. Basta ang alam ko, halos umabot kami sa Crossing mula LCBA para lang humanap ng masasakyan pauwi. At dahil madami kami, halos napuno namin yung jeep. The usual us, maingay sa kanya kanyang kwento. Tapos bukod samin eh meron pang isang natatanging pasahero, lagyan natin sya ng name na IBA...meaning di namin kasama. Nung una si Manong driver nakikichika samin, malamang inuusisa kasi namin kung bakit konti lang ang nabyahe (pero di din ako sure dun) tapos nakikisabat din si IBA. So ayun na, lumarga na ang byahe habang palitan ang blah-blah at haha...eh sa katagalan, naingayan siguro si IBA or baka na-OP kaya nagreklamo. Ang ingay daw namin! Eh palaban ang mga kabarkada ko imbes na tumahimik eh nanghamit pa. Ang blah-blah eh BLAH-BLAH na na may BWAHAHA pa. Ayun, nagalit lalo si IBA (na by the way lalaki sya) sabi nya eh bumababa na daw kami kasi ang iingay namin. Sabi naman namin kay Manong driver “sige Mama ipara mo, baba kami.” Di naman nahinto si Mamang driver, mas marami kasi kami....eh naramdaman siguro ni IBA na kami ang pipiliin ni Manong driver kaya nagyabang syang “sige, bumababa kayo at babayaran ko.” Pero duda siguro si Manong driver, di pa din sya tumitigil....tuloy ang byahe namin, tumigil naman si Kuya IBA kahit siguro nagngingitngit sya pero kami imbes na matapso ang kwento at kahit walang kwenta eh talaga namang mega-BWAHAHA sa walang kapararakan. Kawawa naman si IBA...nakisabay kasi sya sa mga BRUHA! Hehehe..di ko na din matandaan ang ending kasi nauna na kaming bumaba ng jeep, Bagong Kalsada lang kasi kami nina Liezel at Susie. Pero for sure pinagusapan namin ito kinabukasan at malamang ni-kwento nina Naidz, Ellen , Dette, Merly, Aida, at Nancy ito para malaman nina Lanie, Arlyn, Anchie at Lolit.
Marami pa kaming kwento, may nakakakilig na jeepney ride, yung pupwesto sa malapit sa driver para taga-abot ng bayad pag nag-abot si Sir Bates or si Sir Tumulak. Yung mapagalitan ng mga tindera ng isda pag medyo napatakip ka ng ilong kasi amoy isda sila...hehe. Ang pag-abang sa maarteng pagpara ng mga taga-Letwalk (Letran). Samu’t saring estoryang jeep na madalas masaya kasi kwentong barkada din. Hayz! Na-miss ko tuloy ang Tropa!
Ako, 8 June 2011

1 comment:
nice one mary.. first thing in the morning, bungad sakin ang blog mo! Dagdag mo pa dyan ng isang beses matahim sa jeep ang tropa? Kakaiba yun ha! bakit kaya... kasi may nakasabay tayong luka sa jeep as in babaeng wala sa sarili.. yun pala lang ang katapat natin para tumahimik tayo! - ate merl
Post a Comment