Saturday, September 3, 2011

Kwentong jeep


Maganda ang sikat ng araw, mukhang maganda ang vibes ng araw na ‘to! Siguro kasi Biernes na, TGIF ika nga! Malamang dahil din dyan kaya maganda ang mood ng mga tao kagaya ng mga tao sa sinasakyan kong jeep ngayong umaga.

Wala namang unusual sa simula, bumuhos lang ang kindness at good vibes mula sa Bayan. Si Manong passenger eh nagbayad ng twenty pesos, sinuklian sya ni Manong driver ng marami, binalik nya at  sinabing “galing Calamba yun” ....ambait di ba?

Nakarating kami ng Crossing/Junction, may magandang babaeng nagbayad ng sampum piso, sinundan nya ng tingin ang bayad nya hanggang makarating kay Manong driver. Akmang kukuha si Manong ng sukli kaya sinabi na nyang “wala pong sukli yun, galing pong Bagong Kalsada”, napangiti si Manong driver...  pambihira naman ang ganda na, ambait pa...wag ka ng kumontra, blog ko ‘to! 

Pagdating sa may tapat ng El Danda, may sumakay sa may pilahan ng jeep, isang lalaki na madaming dala, dahil mababa ang jeep naumpog sya. Deadma lang kaming lahat, wala din namang ni-react si bagong passenger.  At di pa man nakakalayo ng andar may pumara para sasakay na pretty girl. Pagsampa nya kagaya ng naunang lalaki, naumpog din sya, kaso this time mas malakas. Deretso naman sya sa upuan, sa malapit sa likod ni Manong driver at pagkaupong-pagkaupo nya, harap sya saming lahat na nasa likod at ngumiti sya ng magandang ngiti sabay sabing “ambaba kasi”, sabat naman si Mommy na passenger “mababa o mataas ka lang?” Nagtawanan na  lang kaming lahat pati si pretty girl at sinabi pa nyang “nawala ang mga ni-review ko dun ah!” Aliw this ride kaya naman ayan naisulat ko.

Komyuterang Ako,
12 August 2011

No comments: