Mga three weeks ago na ang kwentong ito...bloopers ko!
Isa sa kinagigiliwan ko sa cellphone ko eh ang FM radio nya at favorite ko ang 97.9 na station. Sya ang aking kaulayaw sa araw at gabi. Pag gabi naka-ON ang loud speaker para di ko kailangang i-plug sa tenga ko...yan ang kasama ko habang nagsusulat or nagbabasa bago matulog. Pag umaga naman, bago ako lumabas ng bahay eh ni-o-OFF ko naman ang loud speaker para naman naka-plug naman sa tenga ko habang nasa byahe. Sa byahe kasama ko tuwing umaga si DJ Alex at sa kanya ko napupulot ang mga kung anu-anong tanong for the day or mga he said, she said moments.
Yang ON and OFF, yan ang kwentong ahihi ko....ganito yun.
Isang umaga, hindi naman ako nagmamadali, late na ako actually kaya di na ako mag-OU gate instead mag-UPLB ako para sa shuttle ng 915. So the usual prep sa umaga, at eto na nga paalis na ako ng room, off si electric fan, hugot pati saksakan, off si ilaw then habang naglalakad palabas ng bahay eh saksak si earplugs. Hintay ng kaunti sa tricycle then usual...except that parang mas malakas ang tunog ng radio ko today...inisip ko na lang kasi gawa siguro ng nagpalit ako ng earphone. Nakarating ng Bagong Kalsada, tawid sa kabila then para ng pa-UP Kaliwa...sakay ng jeep..increase ng konti ang volume ng cellphone radio kasi mas maingay sa jeep kesa sa tricycle. Byahe lang ng usual, nakarating ng UP Admin “Mama, para po” baba ng jeep...lakad papuntang PhySci. Di ko na hininaan ang cellphone radio ko...lakad ako, feeling cool...naka-jeans and shirt, sling bag..may hawak na book at may saksak pang earphones, typical cool individual walking along UPLB.
Nakarating ng PhySci waiting shed...upo sa bakante, walang kakilala sa mga nakatambay kaya buklat si book na dala at ayun basa muna habang hinihintay ang coaster. Maya maya pa dumating na ang coaster....lakad ng konti to get in. Bakante ang favorite spot ko, yung malapit sa opposite ng driver, solo seat kasi yun kaya gusto ko dun..suplada ako madalas pag umaga eh =P. Tapos pagkaupo ko, alis si earplug, was about to OFF my cellphone radio.....eh teka wala na ang earplugs ko ah, bakit may tunog pa?....wala din namang tunog ang coaster......ayun, kaya pala, naka-ON ang loud speaker ko. Mula ng umalis ako ng bahay hanggang sa moment na ito na inalis ko sya sa tenga ko. Ang COOL nga di ba?! Ahahaha..di na ako luminga pa sa coaster, tinawanan ko na lang ang sarili ko......at yun nikwento ang bloopers sa mga kaibigan. At eto naman para sa inyo.
Ako,
3 comments:
hahaha! natawa naman ako dito budz. you made my night :)
You made our lunch naman Ate Mary, nyahaha!
teMers may lumang joke na tungkol jan..
Isang lalake nakasakay sa jeep, nang biglang napa-utot siya at nasabi sa sarili "buti na lang malakas ang sounds sa loob ng jeep!" pero pagbaba narealize nia syet naka-earphones pala sia :P
Post a Comment