Thursday, September 30, 2010

Love Story

UPLB Gate, papatawid, tingin sa kanan, tingin sa kaliwa..may papadating na bike. Ewan kung bakit ang naisip ko eh magandang plot ang mababangga ako ng bike na paparating sakay nya ang cute na guy na magtutulungan kaming bumangon mula sa aming pagkakabangga. Naisip ko tuloy habang pinagpatuloy ko ang paglakad papuntang KFC na wala pa akong nasusulat tungkol sa mga plot ng aking posibleng love story. Tapos nung magkita-kita na kami ng Pro women…ayun ang topic, love story ng aming mga magulang…at yan pwede ko ng simulan ang hindi ko pa na-blog na istorya.

Si Rea ang nagsimula, hindi ko alam pano kami napadpad sa usapang ganito pero basta ang unang story eh sabi ni Rea ang Daddy daw nya ginagawang bedtime story sa kanila ni Pau ang love story nila ng Mommy nya. MS student si Daddy, reseacher naman si Mommy sa Plant Path at may isang time na naging substitute teacher si Mommy sa klase ni Daddy at yun..dun nagsimula ang istorya. May kakaibang kulit si Daddy nung teacher nila si Mommy, lahat nalang tinanong kahit na madaling bagay lang..kahit pag-operate ng microscope eh tinatanong..kaya itong si Mommy nairita at nasabihang “Maghanap ka ng kausap mo?” Pambihira si substitute teacher, ang sungit. Kala nyo ba way pala yun ni Daddy para magpapansin kay Mommy. Ang mga sumunod na moves, nagtanong-tanong si Daddy kung may boyfriend na si Mommy at nang malamang wala pa, hayun, nagpursige ng panliligaw hanggang ayan na...nauwi sa two lovely daughters na kinukwentuhan nya ngayon. At dahil nagsimula ang lahat sa Wing B ng BioSci, kaya naman “Wing B” ang title namin dito.

Si Merc naman ang sumunod, though di kasing detailed ng kwento ni Rea, basta ang alam lang nya mag-co-teacher si Mom at si Dad. Mahilig si Dad mag-paint kaya yun ang title “Paintbrush”.

Pagdating sakin, though di din kasing detailed at ang title ko ay “Pangalan” kasi ang alam ko eh nagkatuksuhan ang Nanay at Tatay kasi magkapareho sila ng pangalan…Dominga si Nanay at Domingo naman si Tatay. At magkatrabaho ang Nanay ko at kapatid ng Tatay ko..so yun ang tuksuhang nauwi sa totohanan.

Mala high school musical naman ang istorya ng Papa at Mama ni Mylah. Si Papa ay team captain ng basketball team at si Mama naman ay…..MUSE! hehe match na match di ba? Kaya ang title namin sa kanila ay “Liga”. Naiimagine ko sila..typical na school sweethearts at siempre sabi nga ni Mylah, madaming girls si Papa kasi naman sikat sa campus pero di naman papatalo si Mama….sa dami ng girls ni Papa ayun ang magandang si Mama ang naka-shoot sa puso nya.

Since di alam ni Grace at Cyrene ang istorya ng parents nila kasi daw parehas ang sinasabi. Pag si Tatay: Niligawan daw sya ng Nanay, pag si Nanay: Patay na patay si Tatay…kaya yun, yung dalawa di na lang naniwala sa kwento.

Si Jenny naman. Ang Nanay naman nya ay nag-aaral noon at nangangailangan ng typist para sa kanyang manuscript. Nagtanong sya sa kaibigan kung may kakilala…ayan na, nag-appear na si Tatay sa eksena..kasi sya ang nakuhang typist. At dahil madalas na sa unahan ang correction inuulit ang buong paper kahit pa di sya ganun kakapal tumagal ang typing job hanggang ayun na nagka-typan ang dalawa. So yun “Makinilya or Typewriter” ang title nila.

…saya lang makinig ng love story….
madalas kong gawin yan sa mga kasama ko sa office na may asawa na…
madalas ko ding isipin kung paanong ang saking story ay mangyayari…pampakilig ba ng puso…

andyang maiisip kong magmimeet kami sa isang badminton tournament….matatamaan ko sya ng raketa…

makakabangga sa isang football tournament

makakasabay sa isang byahe

or someone I just met and I caught his attention na hindi na ako mawalay sa kanyang isip.

at ang ultimate pakilig sakin….

matagal ko na syang kakilala, kaibigan for the longest time and despite my being me, he loves me….

awwwwwwwwwwwwwwwww…ahahahayyyyyyyyyyyyyyyy

sana malapit na, full length love story ko naman ang entry ko =)


Ako, 28 September 2010

4 comments:

Marya said...

from my avid reader =)

Promise, kinilig ako sa "Love Story" mo. Lalo na yung sa huli....

iamrea said...

awwww...ate, try writing your 'love story' like those anime fanfics, ehehe ^^,then let's see how close it is sa love story mo..
panalo talaga WING B ^_^

Unknown said...

ahehehehe ate i really wish your love story will unfold soon! uulitin ko ang aking litanya para sa mga Adan ng mga ate na hindi parin handa magpahanggang ngayon kaya hindi parin ma-i-pakilala si Eba... NASAN na ba kayo gumising na nga kayo! ahahahaha!!! panalo ang mga titles ng love story ng parents nyo ah... yung sa parents ko mukhang hindi na mabibigyang linaw pareho kasing in denial yung dalawa hahahha!!!

basta yung sakin sana mala FAIRY TALE din! ahihihihi!

maan said...

wow.. pang pocketbook (the love stories *wink*) --- other side of me is naiinggit [love story of my parents is not worth writing for (believe me)] --- but with the grace of the Lord mine will be supercalifragelisticespialidocious...wahahaha...