Tuesday, November 23, 2010

Break

I know this is not inspiring. It’s not actually something I should be writing about, here, in this public blog but I just want to let it out….I just need a break! And somehow share the other side of me.

Malamang mahaba na naman ang gabi ko, mahihirapan na naman akong matulog. Ilang weekends ng may issue ang Nanay at Tatay ko at sa tagal ko nang nakaka-witness ng away nila may mga times pa din na kagaya ngayon nakakapagod….gusto kong magpahinga muna. Naumay na kasi akong gawin ang 1. ipanalangin na matapos na sila at makatulog na kami, 2. iiyakan ko ang away nila habang nakikinig ako sa kwarto ko, 3. makikinig sa mga litanya nila at piliting intindihin both sides at 4. makialam hanggang sa maumay kaming tatlo kasi walang gustong sumuko at ma-decide nalang na bukas na lang ituloy kasi antok na. Noon, nalalaman kong nag-aaway sila kasi magigising na lang akong nilalamig kasi inalisan na pala kami ng kumot, sapin sa kama at punda ng unan ni Nanay, yan kasi ang pan-release nya pag masama ang loob nya at nag-away sila ni Tatay.

Nung high school na ako eh siguro feeling nila I’m old enough to know kaya di nalang sila silent war, nagtatalo na sila at paminsan pa nga kasama kaming mga anak sa eksena, may mga supporting roles kami. Ito na yung time na ayaw kong nag-iinom ang Tatay ko kasi sigurado, malamang sa malamang mag-aaway pag-uwi nya. Ito rin ang dahilan kung bakit kasumpa-sumpa sakin ang alak. Noon unti-unti kong naiintindihan kung bakit madalas mainit ang ulo ng Tatay ko....madami kasi syang frustrations sa buhay. Mahirap nga namang maging Tatay ka ng limang bata na hindi naman ganun ka-stable ang hanapbuhay mo. Dati, naiinis ako sa Nanay ko kasi napaka-traditional nyang misis, kahit na inaaway sya eh patuloy pa din sya sa kanyang tungkulin bilang asawa. Pag nagtatalo sila, magrarason sya sa umpisa, pero sya din ang unang susuko para lang matapos na at humupa na ang init ng ulo ni Tatay. Wala naman silang pisikal na away, pero sa sakit magsalita ng Tatay ko eh mas mabilis pang gumaling ang pasa at latay malamang.

Pero di naman sila puro away, di ko din masabi if ganun ang normal na mag-asawa. Nung college na ako, since mas malamang na mana ako sa Tatay ko, nakaka-reason out na ako, sumasagot na ako sa kanya, hindi naman sa walang galang na paraan...gusto ko lang nang nakakapag-paliwanag. Hindi ako sure pero parang di naman humupa ang frustrations ng Tatay ko sa buhay, kasi madalas pa din nilang theme yan sa kanilang away. Mas nag-improve ang Nanay ko kasi sumasagot na sya, natuto na siguro sakin. At dahil mas lumalim ang frustrations ni Tatay..kagaya na lang ng i-compare nya ang buhay namin sa iba naming mga kamag-anak or kapitbahay, mas mahirap na syang i-satisfy. At kahit hindi nya directly sinasabi pag naririnig ko silang mag-away, ako ang apektado. Ako na kasi ang naghahanapbuhay para saming tatlo kasi kami ang magkakasama na lang sa bahay. Pag ganyan ang kanilang war theme, hay! buhos ang luha ko sa sama ng loob...para kasing wala akong nagawa samin, parang wala akong naitulong. Nakaka-frustrate, although dati, yan ang drive ko to pursue things...nakatulong naman. Naiiyak ako sa comment ng Tatay kong tumatanda silang walang nangyayari sa buhay nila! Sakit nun for me…di siguro nila alam yun! Kala lang siguro nila, tulog ako or walang pakialam.

Hindi ko naman naiisip na magpalit ng magulang. At kung mag-uulitan sa buhay, sila pa din naman ang hihilingin kong magulang. Hindi din ako nagrereklamo, nagpapahinga lang! Baka ba sakaling makagaan ng dalahin…pampa-antok na din!

I honor them before God (kakasambit ko nga lang nyan kasi galing lang ako pagsimba) and I’m still wishing to give them the best life before they die. I love them, kaya sige, ituloy lang ang buhay!

Ako, 21 November 2010

1 comment:

carina said...

aww. nakarelate naman ako sa entry na to buddy. minsan tlaga kailangan natin ng break kahit sa pamilya. after ng break, pwde na ulit sumugod sa giyera.