Tuesday, November 2, 2010

Brod

Naglaro ako ng badminton today! Nakakalungkot na 2 courts nalang ang available. Pero ganun pa man naka-3 games din ako, enough na para pagpawisan. Tapos bago mag-uwian nakipag-kwentuhan muna kasi hinihintay namin si Icoy. Tambay muna kami nina Tiny, Omar, Fire at Epoy. At habang nakatambay naghuhuntahan. Si Tiny ang nagkukwento kay Fire hanggang sa may character sa kwneto nya na di nya maalala ang pangalan kaya napapunta ang description sa yung crush ni Mary. At pagkabanggit na pagkabanggit nya nun, si Fire eh parang muntik ng malaglag sa upuan…sabay tayo at lapit sakin …inakbayan ako at sabay sabing “Brod pambihira may crush ka na Brod!” at sasabayan pa ng tawang may kasamang kilig. Tapos sumabat si Epoy “Samin yun, sige ilalakad kita partner.” Sabi nilang 2 “Kami nang bahala!” Tapos sabi ni Sheila “Naku, wag nyong biglain, kasi mayumi yun! At di man lang nangiti, mahina ding magsalita.” “Baka ba mabigla!” Sang-ayon naman si Epoy, oo nga daw mayumi. Tapos nag-uusap na si Epoy at Fire ng strategy nila....sumabat ako “Bumababa na ba ang tingin nyo sakin?” hahaha aliw talaga ‘tong mga kabarkada ko, feeling talaga nila I’m one of them...girl kaya ako!!!

Ako, 27 October 2010

2 comments:

Anonymous said...

share, share, brod! sino si crush? let's strategize para to elevate the "crushness" to the next level.

Anonymous said...

sorry, erase "para"... excited mag-comment kasi.