Tuesday, November 2, 2010

Halloween gimmick

Bakit kung kelan Friday at kung kelan excited kang umalis ng office ng maaga, like saktong 5PM, saka naman andaming dapat gawin. Meeting dito, meeting doon ang drama namin ni Bing bago mag-5PM kaya naman ayun naiwan kami ng shuttle, lakad tuloy kami pa-Tabon. Buti nalang sa kalagitnaan eh nadaanan kami ni Liezel kaya hitch kami hanggang South Supermarket. Kailangan kong mag-withdraw kasi ang pera ko nalang ay 3.25 as in tatlong piso at bente singko sentimos. Kaso mahaba ang pila sa ATM kaya sabi ni Bing sa Manila na lang ako mag-withdraw. Antay na kami ng bus pa-Cubao, ganun din ang bus, kung kelan mo kailangan saka naman nagmamaganda, antagal dumating. Naiinip na si Janet na naghihintay naman sa may Olivarez. Tapos ayun mga ilang minuto pa ayan na ang bus at ilang andar at hinto lang eh ayun na din, naisakay na si Janet. Sa tagal ng antayan…nung nakasakay na si Janet saka lang namin naisip na pwede sana kaming magpabili ng kahit anong makakain sa byahe kasi gutom na kami at malamang eh super traffic. Mabuti nalang maraming mentos na baon si Janet at yun ang inimagine naming chickenjoy. Nakakaaliw pa, habang nasa byahe eh lahat ng natatimingan naming billboard eh pagkain, or yung mga nakakasabay naming mga sasakyan, either may drawing ng food or mga delivery truck ng food. Gimmick night namin tonight, some Bundokeras like ako, Bing at Janet at imi-meet namin si Carina dun sa Manila to watch Aiza Seguera’s Metro bar show. Matagal-tagal na din syang naplano at kahit pa matagal ng naplano eh ganun pa din, mukhang di pa din kami ready to go. First time ko itong gagawin, ang manood ng gig, ang makita si Aiza at ang lumuwas ng 3.25 lang ang pera. Ampon ako ni Bing mula sa pamasahe, pagkain at pambayad sa ticket for the show. Sabi ko nga sa kanila, “Di ako dapat mahiwalay kasi kawawa ako, bukod sa mawawala ako sa Manila eh wala pa akong pera!” At after ng mahabang byahe habang nagkukwentuhan eh ayun nakarating na kami sa MRT. Mabuti nalang yung train na nakuha namin eh puro babae, kasi sobrang siksikan, as in ang hirap hugutin ng cellphone sa bag, eh kailangan kong makipag-communicate kay Carina. Timing naman ang pagkakakuha ko, may new instructions sya on where to drop off from the MRT. Tapos ayun, nasa Quezon Ave na kami na station kaya bumababa na kaming 3 at makailang saglit lang eh ayan na si Carina, kasabay din pala namin sya sa MRT. Kain muna kami sa pinakamalapit na kainan kasi di na kaya ng aming powers ang gutom. Sarap ng food sa Tapa King, ewan kung gutom lang talaga ako or talagang masarap dun. Gusto ko pa nga sanang i-try ang champorado nila, kaso busog na ako sa isang bowl ng parang almusal at saka wala akong pera. Then after kumain, taxi terminal na din yung labas ng Tapa King kaya viola, to Metro bar na kami. Pagdating namin dun, tinatry tawagan ni Carina yung contact nya pero parang na-notice na nya kami kaya nag-ask na sya…”Carina?” and sagot naman si Carina at yun nagpirmahan at nag-palitan ng money at ticket yung 2. Habang nangyayari yun nakatingin kami sa paligid, na-off ako kasi ang mga girlets na andun sa lobby eh mga naka-party dress, mabuti nalang mga promo girls pala sila..kala ko may dress code. Tapos hinatid kami nung contact ni Carina sa aming reserved table, sa may second deck kami, slightly gilid ng stage pero kitang-kita naman ang nangyayari sa stage below, so it’s a good spot. May 3 stand-up comedian na nagpi-perform sa stage, yung 2 naka-casual na men’s clothes pero sabi nila bading sila, yung isa di kagandahan ang itsura nya…cross dresser na bading na super lalaki ang itsura, para nga syang barker or barumbado sa kanto…pero infairness ang ganda ng boses nya. Kinanta nila yung “Faithfully”, kala mo lip-sync lang pero sya talaga ang kumakanta. Famous line nila eh “’te pangkain lang, sige na ‘te” yan ang sinasabi nila pag nanghihingi ng tip for singing the audience’s requests. Kawawa yung isang nag-request, kasi 100 pesos ang binigay nya, mega lait sya nung 3…mahihirapan pa daw silang mag-divide divide at malamang eh maging simula yun ng paghihiwalay nilang 3. Funny naman sila except for the mura and the other bad words nila eh oks naman. After nila, yung band naman na guest ni Aiza, MC Castro and his band, singer sya dun sa natapos ng Singing Bee ni Ceasar Montano sa ABS-CBN. Magaling yung guitarist nya at maganda din ang boses. Yun ding drummer, ang galing ng version nya nung “Kahit Kailan” palakpakan nga ang mga tao eh. They sang 3 Bruno Mars’ songs siempre kasama ang song for the past two weeks ko na, ang “Just the way you are.” Siguro mga bago mag-midnight naman eh saka lumabas si Aiza and her pogi band with isang girl, Ria/Mia sya yung key boardist at back up vocals. Grabe ang passion nung lead guitarist ni Aiza, as in the whole body is strumming the guitar. Ang generous din nila, they sang about 25 songs including yung requests. I love all the songs from Thriller, intro nila kasi ang title ng show eh “Aiza thrills Metro”, tapos worth mentioning ang version nya ng “Run Away” galing din. Gusto ko din ang ibang timpla ng “Pagdating ng Panahon”. Tapos may bonus pa kami kasi andun sa audience si Carol Banawa, kasi nag-produce yata si Aiza ng album nya kaya andun sya, so naki-jamming. She sang “Paglisan” and isang song nya before na I forgot the title, same old Carol, ang linis ng boses, ganda! Sayang nga lang kasi we didn’t stay longer, meron sanang photo opportunities, nakita ni Carina yung text nung contact nya nung naka-settle na kami sa Shakey’s for our super late midnight snack. Then after ng panghihinayang ni Carina at mabusog sa group meal ng Shakey’s uwian na kami sa Guadalupe, kung saan nakatira si Carina. Nakatulog yata kami mga 3AM or 4AM na, ako ang naunang natulog kasi mula palang sa taxi after ng show eh ma-e-empty bat na ako at deretso na ang tulog ko until kinabukasan ng 7AM, ako din ang pinaka-late gumising. Ewan ba naman sa mga babaing ito kung bakit kebibilis gumising. Kwentuhang lovelife kami ni Janet (oooopppssss)  mula pag-gising hanggang sa maisipang magsiligo na. At around 11AM ayun balik na naman kami sa MRT papunta namang Ayala, malling time ba! Pero bago mag-go around sa mall eh nag-brunch muna sa Kenny Rogers. Bili lang kami ng sleeping bag at naningin ng ilang mga mountaineering stuffs tapos nag-SM ng konti then off to Taft na for bus going home. Hanap kami ng magandang location sa bus, pero sa hulihan nalang ang available..at mula ng magkabayaran sa kundoktor, simula na ulit ako sa pagtulog hanggang sa marinig ko nalang ang boses ni Janet asking me kung saan kami bababa. Crossing Calamba kami bumababa at nag-ukay ng konti then we ended the day with a coffee in SM Calamba. Nice weekend with some Bundokeras, si EL Janet, buddy Carina at siempre ang financier kong si Bing….I had a nice time! Akalain mo yun wala ka ngang pera nakapag-shopping ka pa! Hanggang sa susunod na gimik! Sana mas maraming Bundokeras naman or better kasama din ang mga Bundokeros.

Ako, 31 October 2010

2 comments:

Anonymous said...

i had a nice time, too. it's been so long noong huling gimik. sabi mo nga bundokera tayo, i'd rather lie down and watch the stars sa bundok than magpakapuyat sa kung saan-saan. hindi lang talaga ako night time person. pero, dahil kayo ang kasama ko, i made an exception.

power hugs, sisterette!

Beng said...

Haha! Naaliw naman ako sa kwento mo!
Thanks girl. :)